^

True Confessions

Damo sa Pilapil (73)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DUMAAN sa harap nila ang superbisor na “ma­init ang hininga” kay Zac pero hindi ito ma­katingin nang derekta. Nagtuluy-tuloy sa pag­lalakad na para bang nailing kina Zac at Manong Janitor. Hanggang makalampas ay hindi nagtapong sulyap man lang kay Zac.

“Aba Zac, mukhang natameme na ang ma­angas na bisor. Nakita mo at hindi man lang tu­mingin. Bakit kaya?’’

Ngumiti lang si Zac.

“Mukhang tumiklop na sa’yo Zac. Hindi niya aka­lain na matataasan mo siya.’’

Nakangiti lang si Zac at patuloy na nakikinig kay Manong Jani.

“E Zac, mayroon sana akong hihilingin sa’yo. Baka naman matulu­ngan mong maipasok dito ang anak kong lalaki na bagong graduate ng Business Ad. Mahusay naman siya at mukhang masipag. Malapit na akong magretiro at gusto ko e dito siya maempleyo.’’

“Sige po Manong. Magpasa po siya ng personal resume niya at ako ang bahala.’’

“Salamat Zac! Puwede na akong mag-retire.’’

Mahigpit na kinamayan ni Manong Jani si Zac.

Tutulungan niya ang anak ni Manong dahil alam niya na nagpumilit makatapos ang anak nito. Noon pa, nasabi na ni Manong na matiyaga ang anak nito. Nakita niya ang sarili sa anak ni Manong na nagsikap at naging matiyaga sa pag-aaral.

Ang pagkaka-promote ni Zac ay agad naman niyang ibinalita sa kanyang itay at inay sa probinsiya. Tuwang-tuwa ang mga ito. Nangako si Zac sa mga magulang na bubuhusan ng tulong. Matutupad na ang pangarap ng mga ito. Nangako rin siya sa mga ito na uuwi sa probinsiya.

MAY napansin si Zac kay Mam Dulce: Nakikita niyang laging nag-iisip sa salas. Napansin din niyang hindi na dumadalaw si Bogs. Bakit kaya? Nagka­labuan na?

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with