^

PSN Opinyon

PNP handa na sa ASEAN Summit

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG beses gagawin ang ASEAN Summit dito sa bansa kaya hindi biro ang seguridad na paiiralin ni Dir. Napoleon Taas, commander ng ASEAN security task force. Ang unang miting ng mga ASEAN head of States ay gaganapin sa Abril 26 to 29 samantalang ang kasunod naman ay sa Nobyembre na dadaluhan naman ng iba’t ibang lider sa buong mundo. Halos isang buwan na lang ang unang summit subalit handa na ang Philippine National Police na gampanan ang kanilang trabaho, ani Taas na chief information officer din ng PNP. Ang 10 head of states ay dara­ting sa bansa sa Abril 27 at 28 at magkita-kita silang lahat sa Abril 29 sa PICC para pag-usapan ang kung anu-anong problema na hinarap nila noong nakaraang taon at sa hinaharap. Magkakaroon din sila ng dalawang oras na retreat sa Coconut Palace bago ang gala dinner sa Sofitel Hotel at lilisanin nila ang bansa sa sunod na araw.

Kayang-kaya ni Taas na i-secure ang 10 lider ng mga nation sa ASEAN. Halos isang taon na pinaghandaan ni Taas ang seguridad ng ASEAN Summit dahil may 128 meeting na gaganapin dito kumpara sa 36 lang nang i-host ng bansa ang APEC noong 2015. Nagkaroon na ng 33 meetings ang mga delegado ng ASEAN mula pa noong Disyembre at wala pa namang bulilyaso ang segu­ridad. Kung sabagay, may napipinto pang miting sa Laoag City at Davao City bago ang ASEAN Summit sa Metro Manila at sa kautusan ni Taas ay handa na rin ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa security deployment nila. Araw-araw ang miting na ginagawa ni NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde para hindi malusutan ang security deployment nila sa PICC.

Ang seguridad sa ASEAN Summit sa Abril ay dapat naayon sa kagustuhan ni President Rodrigo Duterte para masigurong hindi maapektuhan ang publiko, lalo na ang mga motorista. Ayaw ibunyag ni Taas ang mga detalye ng security deployment nila, subalit ipinangako niyang kasama rito ang traffic, seguridad sa mga hotel kung saan naka-check in ang head of states. Ayon naman sa mga bataan ni Albayalde, ang mga apektadong lugar ay ang Arnaiz St., sa Makati City, Mall of Asia at ang Cultural Center of the Philippines (CCP) complex. Magkaroon ng rerouting ng traffic sa Sen. Diokno Blvd., sa Jalandino St., V. Sotoo St., Bukaneg St at sa A. de la Rama St. sa Pasay City. O hayan, dapat tandaan n’yo mga suki ang mga lugar kung saan inaasahang matrapik. Dapat umiwas na tayo mga suki para di na tayo maabala. Abangan!

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with