^

True Confessions

Salome (178)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI ko inaasahan ito, Mac,” sabi ni Salome na hindi makapaniwala sa biglang pagyayaya ni Mac ng kasal. “Ang bilis mo talaga!’’

‘‘Baka kasi mayroon pa akong ma­kaagaw sa’yo, mahirap na.’’

“Sino naman kaya ang makakaagaw mo e ikaw lang naman ang lalaking nakaka­usap ko noon pa.’’

“Ow? Totoo?’’

“Wala talaga?’’

“Sa school n’yo? Huwag mong sabihin na walang lalaki roon?’’

“Meron pero hindi kami talo. Mas mahinhin pa sa akin.’’

Nagtawa nang tahimik si Mac.

‘‘Kaya huwag kang mag-alala na mayroon kang kaagaw sa akin.’’

‘‘Hindi pala ako dapat matakot.’’

‘‘Oo naman. Saka kung may mangangahas man, hindi ko na paaasahin pa. Sasabihin kong mayroon nang nagmamay-ari ng aking puso.’’

“Ang sarap naman,” sabi ni Mac at marahang kinuha ang kanang palad ni Salome at pinisil-pisil. Nagpaubaya si Salome. Nadama niya ang init ng pagmamahal ni Mac ng mga sandaling iyon. Tiyak niya na hindi siya nagkamali sa pagpili kay Mac.

Pagkatapos kumain ay namasyal sila sa loob ng isang mall. Magkahawak ang kamay nila habang naglalakad at masayang nag-uusap.

“Ang sarap ng feeling ko, Salome. Ngayon lang ako nakadama ng ganito.’’

“Ako rin Mac. Super-ligaya ang nadarama ko.’’

Pinisil ni Mac ang palad ni Salome.

“Isasama kita sa bahay ngayon,’’ sabi ni Mac.

“Bakit?’’

“Sasabihin ko kay Papa na mag-on na tayo at balak na nating magpakasal. Tiyak na matutuwa ‘yun.’’

Lalo pang nakadama nang hindi maipaliwanag na kaligayahan si Salome. Super talaga ang nadarama niyang feeling para kay Mac.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with