Salome (176)
NAG-UUSAP sina Salome at Mac habang naglalakad patungo sa sakayan. Iyon ang unang pagkakataon na pinuntahan siya ni Mac sa pinagtuturuang school.
“Mabuti pala at hindi ako nagtagal sa classroom, kung hindi naghintay ka nang matagal, Mac. Nag-usap kami ng co-teacher ko tungkol sa activities next week.’’
“Okey lang naman na maghintay ako. Di ba noong nag-aaral ka pa sa kolehiyo, pinuntahan na rin kita sa school. Naghintay rin ako noon sa gate.’’
“Hindi ko na matandaan ‘yun, Mac.’’
“Mabuti pa pala ako at natatandaan ko.’’
“Hindi ko talaga matandaan yun.’’
“Sige huwag mo nang alalahanin. Basta hinintay kita nun.’’
“Matiyaga ka talaga, Mac. Hanga ako sa tiyaga mo.’’
“Kaya nga paglalakad ang libangan ko. Kapag hindi ka matiyaga sa paglalakad, wala kang mararating.’’
“Saludo ako sa’yo, Mac. Teka, ano nga bang sasabihin mo at pinuntahan mo ako rito.’’
“Saka ko na lang sasabihin. Kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin.’’
“Saan ba tayo pupunta?’’
“Mag-dinner tayo. May bagong bukas na Japanese restaurant sa North EDSA. Gusto kong tikman ang salmon nila na pinaka-da best daw.’’
“Wow, sige. Ililibre mo ako?’’
“Siyempre naman. Ako ang nagyaya.’’
“Tena.’’
Tumawag ng taxi si Mac. Isang dilaw na taxi ang dumating. Sumakay sila. Magkatabi sa likuran.
Wala pang 20 minutes ay nasa Japanese restaurant na sila. Bagong bukas ang restaurant. Marami nang kumakain.
Sa sulok sila napuwesto. Umorder si Mac ng da best na salmon. Iyon din ang inorder ni Salome. Ita-try kung masarap.
Habang naghihintay ng order, nagtanong si Salome.
“Anong sasabihin mo, Mac. Sabihin mo na. Naiintriga na ako.’’
“Mahal kita, Salome.’’
Napalunok si Salome.
“Bakit ngayon mo lang sinabi, Mac?’
(Itutuloy)
- Latest