^

True Confessions

Salome (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SINO ‘yan?’’ Tawag ni Manang Sabel habang hawak ang cell phone na hindi pa naka-off at nasa kabilang linya pa si Salome. Nataranta kasi ang matanda nang maramdamang may nagbubukas ng pinto ng kanyang kuwarto.

“Sino ‘yan?’’ Tawag uli niya.

At sa pagkabigla ni Manang Sabel, biglang may humablot sa cell phone niya.

“Ako! Akina nga ang cell phone na ‘yan!’’

Si Mam Pilar! Naagaw ang cell phone. Nasa ka­bilang linya pa rin si Salome.

“Kausap mo si Salome ano?’’

“H-hindi po Mam Pilar,” sagot ni Manang Sabel at naidalangin na sana’y huwag nitong inspeksiyunin  ang cell phone sapagkat baka nasa kabilang linya pa si Salome.

Hindi naman tiningnan ang cell phone pero binalaan siya nito.

“Huwag na huwag kang magsusumbong kay Hector ng mga nalalaman mo at mamamatay ka. Hindi ka makakaligtas kay Jeffrey. Nakasubaybay siya sa iyo at alam na rin niya kung nasaan si Salome. Kapag may nalaman si Hector, pa­pata- yin ka ni Jeffrey. Tandaan mo ang sinabi ko!’’

“O-opo, M-Mam P-Pilar. H-hindi po ako m-magsusumbong. Hindi po!’’ Na-nginginig ang boses ni Ma-nang Sabel.

“Ikaw at si Salome lamang ang maaring magsumbong kay Hector kaya huwag na huwag kayong magkakamali.’’

“H-hindi po Mam Pilar.’’

“Huwag kang lalabas sa kuwarto mo hangga’t hindi ako ang tumatawag. Kahit tumawag si Hector, huwag kang sasagot. Naiiintindihan mo ako.’’

“P-paano po ang paggamot ko sa sugat ni Amy.’’

“Huwag mo nang pakialaman ‘yun! Basta dito ka. Lalabas ka lang kapag inutusan kita.’’

“Opo.’’

“Kapag sinuway mo ako, masama ang mangyayari!’’

“O-opo M-Mam, o-opo!

Lumabas na si Mam Pilar dala ang cell phone ni Manang Sabel.

Halos hindi naman makahakbang si Manang Sabel dahil sa takot. Naupo siya sa silya na nangangatog pa rin.

Problema kung paano niya makakausap si Salome. Kinuha ang cell phone niya.

SAMANTALA, nalaman na ni Salome kung bakit hindi na sumagot si Manang Sabel sa kanya. Si Mam Pilar ang duma-ting. Nalaman niya dahil nakabukas pa ang cell phone ni Manang Sabel at narinig niya kung sino ang nagsasalita. Nasagap niya ang mga pagbabanta ni Mam Pilar. Papatayin daw siya at si Manang Sabel. Si Jeffrey na driver/lover ni Mam Pilar ang gagawa niyon.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with