^

True Confessions

Salome (113)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“DUMATING na po pala si Sir Hector, Mam Pilar?” tanong ni Amy.

“Oo. Dumating ka­gabi.’’

“Alam na po ba ang nangyari sa akin?’’

“Siyempre. Kaya ko nga sinabi sa’yo na kapag tinanong ka niya kung sino ang bumaril sa’yo, sabihin mo si Salome. Maliwanag. Basta yun ang sabihin mo. Maliwanag.’’

Nang mga sandaling iyon naman ay papara­ting si Manang Sabel para palitan ang benda ng nadaplisang braso ni Amy.

Dinig na dinig niya ang huling sinabi ni Mam Pilar kay Amy na si Salome ang iturong bumaril.

Umatras si Manang Sabel. Delikado ang kalagayan ni Salome. At mukhang napaniwala na rin ni Mam Pilar si Sir Hector na si Salome nga ang bumaril. Napakasama talaga ni Mam Pilar. Walang kasing sama.

Nagbalik si Manang Sabel sa kanyang kuwarto at agad tinawagan si Salome.

“Delikado ka na talaga Salome kaya mag-ingat ka. Pati si Sir Hector ay napaniwala na ni Mam Pilar na ikaw ang bumaril kay Amy. Narinig ko ang pag-uusap ni Mam Pilar at Amy kanina. Ikaw ang ipinatuturong bumaril.’’
“Diyos ko bakit nila ako ginaganito, Manang?’’

“Hindi ko alam kung bakit, Salome. Ang alam ko, napakasama ni Mam Pilar. Walang kasing sama!’’

“Manang, hindi kaya pati ikaw ay nanganganib din ang buhay. Kasi baka nabisto na ikaw ang nagpatakas sa akin.’’

“May awa ang Diyos, Salome.’’

Maya-maya may na­rinig na ingay si Manang Sabel. Mukhang may nagbubukas ng pinto ng kanyang kuwarto.

“Sandali lang Salome….’’

“Bakit po Manang?’’

Hindi sumagot si Manang Sabel.

May mga yabag siyang narinig. Papalapit.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with