^

True Confessions

Black Widow (87)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINALIKAN ni Jam sa pisngi si Jose. Hindi lang isa kundi dalawang beses. Gigil na gigil si Jam sa paghalik kay Jose. Parang nagbabaga ang pagnanasa sa lalaki. Dahil siguro sa espiritu ng alak. Halos maubos na kasi nito ang imported na alak.

Wala namang kakibu-kibo si Jose sa inaakto ni Jam. Siguro’y pinagpa­pa­sensiyahan na lang dahil nakainom at dahil maginoo rin.

Si Marie naman ay tila nanliliit sa ginagawa ni Jam. Kung alam lamang niya na ganito ito, hindi na sana niya niyaya si Jose. Kung silang dalawa lamang ni Jam ay baka walang problema. Wala siyang kukulitin. Nagtataka siya kung bakit naging mahilig ito sa alak. Dahil siguro sa problemang pinapasan. Alam ni Marie na gustong makita ni Jam ang mga anak nito na pinagkait ng asawang si Pete.

Pinagmasdan ni Marie si Jam na halos hindi na kontrolado ang sarili dahil sa sobrang kalasingan. Wala nang pigil maski sa pagsasalita. Si Jose lagi ang bukambibig.

“Nahlaman koh, biyudo kah raw Jose. Totoo bah?’’

‘‘Oo. Mga isang taon nang namamatay ang misis ko. Kanser.’’

“Ah ka­wawah kah naman. Isah lang bah anak moh?’’

‘‘Oo. Babae.’’

‘‘Hindih kah nah raw mag-aasawa, sabi ni Marie...’’

Pero agad na sinansala siya ni Marie sa pagsasalita.

‘‘Hoy Jam ang bibig mo, baka isipin nitong si Jose na pinag-uusapan natin siya.’’

Pero si Jose na ang nag­sabing okey lang yun. Wa­lang problema sa kanya.

“Matulog ka na nga lang, Jam. Tama na ang alak.’’

Pero hindi na kumikilos si Jam sa pagkakayupyop sa sopa. Tulog na pala.

“Jam! Jam!’’ Tinapik-tapik ni Marie.

Pero tulog na nga.

Nakahinga nang maluwag si Marie. Tulog na ang makulit.

‘‘Pasensiya ka na sa kan­ya, Jose. Hindi naman ganyan dati ‘yan. Hindi nga ‘yan umiinom ng alak. Palagay ko natuto nang magkaroon ng problema ang pamilya.’’

“Okey lang sa akin, Marie. Palagay ko nga dahil sa problema kaya gustong maglasing.’’

“Problema nito kung paano tayo aalis. Hindi ko ito maiiwanang tulog dito. Baka may mangyari habang tulog siya. Baka may pumasok na magnanakaw o baka magkasunog. Baka dito na ako matulog.’’

“E di samahan kita. Hintayin nating mahimasmasan.’’

“Okey lang sa’yo Jose?’’

‘‘Oo. No problem.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

HINDI

JAM

JOSE

LANG

MARIE

OO

PERO

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with