^

True Confessions

Black Widow (77)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI masisira ang aming­ pamilya kundi dahil sa kanyang kataksilan,” sabi ni Pete na tuwid na nakatingin kay Marie. “Siyempre ang sasabihin niya sa iyo ay papabor sa kanya. Pagkatapos nating mag-usap ay ba­kit hindi mo siya puntahan at tanungin ukol sa mga ipinagtapat ko sa’yo.’’

Napatango na lang si Marie sa sinabi ni Pete pero masabi kaya niya iyon kay Jam. Parang ayaw niyang maniwala na ang kaibigan ang dahilan nang pagkasira ng pamilya. Lagi silang magkasama ni Jam sa opisina at hindi niya ito kinakitaan na may ginagawang “milagro”. Kilala niya si Jam.

“Tanungin mo ang iyong kaibigan, Marie kung bakit kami nagkaganito. Pero palagay ko, hindi siya aamin. Ang isang tao na hindi nagsi­sisi sa kanyang mga nagawang kasalanan ay hindi kailanman aamin.

“Ang akala ko, magsi­sisi siya makaraan ang una kong pagkahuli sa kanya at sa lalaki niya pero hindi pala. Ginawa pa uli niya. Alam mo Marie, naisip ko na nasa dugo yata ng kaibigan mo ang mangaliwa. Nananalaytay sa kanya ang pakikiapid. Walang kadala-dala. Kaya nga, nagpapasalamat na rin ako at hindi nagpadala sa silakbo ng galit. Kung sa ibang lalaki nangyari iyon, baka napatay na siya. Hanggang ngayon, humahanga ako sa aking sarili dahil na­ging matibay ako. Agad kong naisip ang magi­ging kalagayan ng aking dalawang anak sakali at magpadala ako sa galit. Sa isang saglit na galit marami ang mangyayari at ang kasunod ay ang pagdurusa.

“Pakiusap ko Marie, tanungin mo ang iyong ka­ibigan kung bakit nang­yari ito sa aming pamilya. At sabihin mo rin sa kanya na hindi ko ipakikita sa kanya ang aming mga anak.’’

Napatango si Marie. Iginalang niya ang pasya ni Pete.

Nagpaalam na siya rito.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

GINAWA

HANGGANG

HINDI

IGINALANG

ITUTULOY

NAPATANGO

NIYA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with