^

True Confessions

Sinsilyo (135)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SHOCK si Gaude sa gi­nawa ni Tita Lyka na paghipo sa harapan niya. Napaatras nga siya. Tuluy-tuloy naman sa pag­labas si Lyka na naka-ngiti makaraang damahin ang itinatago ni Gaude. Tama ang hula niya na hindi pangkaraniwan ang itinatago ni Gaude. May naglalaro sa isipan niya habang papalabas sa room ni Gaude.

Wala namang kamalay-malay si Lyka na nakita uli siya ni Lolo Dune Kastilaloy. Nakasubaybay na naman ang matanda sa mga ginagawa nina Lyka at Gaude. Kung anu-ano ang naisip ni Kastilaloy: “May ginawa na namang milagro ang dalawa. Nagpakasawa na naman sa kuwarto. Dapat ko nang isumbong si Gaude kay Mau para mapalayas na sa bahay na ito. Sasabihin ko kay Mau, halos gabi-gabi ay may ginagawang milag­ro sina Gaude at Lyka. Tingnan ko lang kung hindi palayasin ni Mau ang estupidong si Gaude. Kapag napalayas ang estupido, wala nang hahadlang sa pangkukupit ko sa mga barya. Mula nang dumating ang estupido, nawala ang delihensiya ko. Dati, isang dakot na barya araw-araw ang nakukupit ko pero ngayon, wala na. Buwisit kasi ang estupido! Pero kapag naisumbong ko siya, tiyak na hindi na siya pagtitiwalaan ni Mau. Baka umbagin muna siya bago palayasin, he-hehe.

“Kapag wala na si Gau-de, ako na ang hahawak    ng mga barya. Mahaha­wakan ko na rin sina Kandoy at iba pang matanda. Oobligahin kong magpa-limos nang magpalimos para dumami pa ang pera. Kapag may tututol, isusumbong ko kay Mau para palayasin din. Hindi ko patatawarin ang mga matatandang reklamador, lalo na si Kandoy. Makikita ng Kandoy na iyon. Siya ang uunahin ko para mapalayas dito.

“Kapag wala na si Gaude, ako na rin ang papalit sa kanya para mapaligaya si Lyka. Puwede pa naman ako. May asim pa rin naman ako. Kayang-kaya ko pa ring paligayahin si Lyka,  ha-ha-ha!

Pero paano ko maisusumbong si Gaude e hindi ko nakikita si Mau. Nasaan kaya si Mau? Matagal ko nang hindi nakikita si Mau.

“Basta pagdating ni Mau, isusumbong ko si Gaude. Tapos na ang estupido! Wala nang kontrabida, ha-ha-ha!”

(Itutuloy)

vuukle comment

GAUDE

KANDOY

KAPAG

LOLO DUNE KASTILALOY

LYKA

MAU

PERO

TITA LYKA

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with