^

True Confessions

Sinsilyo (103)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANGINGINIG ang tuhod ni Gaude habang nakasilip sa butas na kasinglaki ng holen. Ayaw niyang panoorin ang nasa likod ng butas sapagkat kasalanan iyon. Baka malaman ni Tito Mau ang ginagawa niya. Baka rin mahuli siya ni Lolo Kastilaloy ay lalong malaki ang problema.

Pero malakas ang hatak na panooorin niya ang nasa likod ng butas. Gusto niyang makita ang ginagawa ni Lyka.

Itinututok niya ang mga mata sa butas. Sa laki ng butas ay kitang-kita niya ang kabuuan ni Lyka habang nali­ligo. Maganda pala talaga si Lyka! Maputi at makinis ang katawan. Nang humarap ito, sapol na sapol ni Gaude ang mayamang dibdib. Nakatayo at mayabang na mayabang. Bu­maba ang kanyang tingin at nasapol ang nasa ibaba ng flat na sikmura. Hindi kumukurap si Gaude sa tagpong iyon. Parang nakakita siya ng itim na pugad sa pagitan ng mga hita ni Lyka.

Hindi halos humihinga si Gaude. Paminsan-minsan ay lumilingon siya at baka nasa likuran na niya si Lolo Kastilaloy. Nang matiyak na wala ay patuloy siya sa pagsilip sa butas.

Nakita niya na sinabon ni Lyka ang buong katawan. Napuno ng sabon ang katawan. Halos bula ang nasa katawan. Nagbanlaw. Nagsabon uli. Nagbanlaw. Hanggang sa ang pinale, sinabon ang itim na pugad.

Nakita niya ang pagba­balot ng tuwalya sa katawan. Tapos na!

Mabilis na lumabas si Gaude sa bahay na lata. Pumasok agad sa kusina. Eksakto rin naman ang paglabas ni Lyka sa banyo.

“Gaude, tapos na ako!”

“O-opo T-tita L-Lyka!”

“Ba’t tila nanginginig ka?’’

“W-wala p-po!”

Napangiti lang si Lyka.

 

KINABUKA­SAN, naliligo na naman si Lyka. Nagmamadali si Gaude sa pagtungo sa bahay na lata. Pero pagbukas niya ng pinto sa likod, nakita niya si Kastilaloy. Patungo na sa bahay na lata. Sisilipan uli si Lyka!

(Itutuloy)

vuukle comment

GAUDE

LOLO KASTILALOY

LYKA

NAGBANLAW

NAKITA

NANG

NIYA

PERO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with