^

True Confessions

Sinsilyo (100)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 MAHIHIRAPAN ngang butasin ni Lolo Kastilaloy ang pader dahil de-singko ang kapal ng hollow block. At baka natapat pa na may palamang semento ang hollow block na binubutas. Sa tantiya ni Gaude ay may isang linggo nang binubutas ni Kastilaloy ang bahaging iyon ng pader. Kaya naman pala dumadagundong ang pader kapag pinukpok ay dahil sa sobrang kapal.

Muling sinukat ni Gaude ang lalim ng butas. Malalim na. Ma­aaring ilang pukpok pa at tatagos na sa kabila. Baka mga isang araw na pagbubutas pa ang gugugulin ni Kastilaloy at tapos na ang kanyang project.

Pero hindi pa rin malaman ni Gaude kung ano ang dahilan at kailangang paghirapang butasin ni Kastilaloy ang pader. May malaking dahilan kung bakit ganun na lamang ang pagnanais na butasin ang pader.

Naalala ni Gaude ang sinabi ni Lolo Kandoy na baka may kabalbalang gagawin si Kastilaloy kaya ginawa nito ang bahay na lata. Parang may katotohanan ang sinabi ni Lolo Kandoy. Pero ano kayang kabalbalan iyon. Dapat siguro’y subaybayan nga niya si Kastilaloy para malaman kung anong kabalbalan ang naiisip nito. Kapag nabisto niya, isusumbong niya kay Tito Mau. Hindi siya magdadalawang-isip sa pagsusumbong kapag nabisto si Kastilaloy.

 

MAKALIPAS ang ilang araw, naglilinis si Gaude isang umaga sa kusina nang makita niyang papalapit si Lyka. May dalang tuwalya. Maliligo.

“Gaude, maliligo ako.”

“Opo Tita Lyka. Malinis na po ang banyo. Nilinis ko po kanina.’’

“Talaga? Ang sipag mo naman,” sabi at ngi­nitian si Gaude. May landi ang ngiti ni Lyka. Hindi makatingin nang deretso si Gaude.

Nagtungo na si Lyka sa banyo. Isinara ang pinto. Maya-maya pa, narinig na niya ang pagbubuhos nito.

Ipinagpatuloy ni Gaude ang paglilinis sa kusina.

Hanggang sa mapansin niya na pasilip-silip sa pinto ng kusina si Lolo Kastilaloy. Ibubukas nito ang pinto sa kusina, sisilip at saka isasara. Mamaya-maya, sisilip uli at saka isasara. Mga ilang beses ginawa iyon ng matanda. Parang tinitingnan kung naroon pa siya sa kusina. Bakit kaya? Parang hindi mapakali ang matanda. Parang may gagawin pero hindi maisagawa dahil nasa kusina si Gaude.

Hanggang sa hindi na yata makatiis ay tuluyan nang pumasok si Kastilaloy sa kusina at tinungo si Gaude.

“Sino ang nasa banyo?”

“Si Tita Lyka po. Naliligo.”

Napatangu-tango si Kastilaloy.

“Gagamit ka po ng banyo? Sabi po ni Tito Mau huwag daw gagamitin iyon. Sila lang daw po ang gagamit.’’

“Hindi ako gagamit! Estupido! Tonto!” sabi at tumalikod na si Kastilaloy.

Naiwang nakanga­nga si Gaude.

(Itutuloy)

vuukle comment

GAUDE

HANGGANG

KASTILALOY

KUSINA

LOLO KANDOY

LOLO KASTILALOY

LYKA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with