^

True Confessions

Sinsilyo (56)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGIGING palaisipan na para kay Gaude ang mga ginagawa ni Lolo Kandoy. Mabuti nga yata ay sundan na niya ito habang patungo sa España Blvd. para masagot na ang kanyang mga katanungan. Kutob niya may ginagawa si Lolo Kandoy kaya laging nagtutungo sa España at ginagawa iyon kapag a-kinse at a-treinta. Gusto niyang malaman ang ginagawa ng matanda. Siguro kapag nalaman niya ang ginagawa nito ay malala-laman na rin niya ang iba pang misteryo gaya ng pagkawala ng tiwala umano rito ni Tito Mau. Tiyak na may kaugnayan ito kung bakit nagbago ang pakikitungo ni Tito Mau kay Lolo Kandoy.

Kailangan lamang ay maging maingat siya sa pagsubaybay kay Lolo Kandoy at baka mabu-king siya. Baka magalit sa kanya. Hindi siya dapat magpapahalata kung ga-gawin ang balak.

Naghintay ng pagkaka-taon si Gaude kung paano masusundan ang matanda pero hindi makatiyempo.

Hanggang isang tanghali na papasok siya, nilapitan siya ni Lolo Kandoy. May iniabot sa kanya.

“Baon mo Gaude.”

Kinuha ni Gaude. Kuwarenta pesos yun. Dalawang P20.

“Salamat po Lolo.”

“Bukas, sasabay ako sa’yo ha, pupunta ako sa España. Di ba a-treinta bukas?’’

“Opo.’’

“Anong oras ka aalis?”

“Alas dose po.’’

“Hintayin mo ako ha?’’

“Opo.’’

Iyon ang hinihintay ni Gaude. Susundan niya ito bukas.

KINABUKASAN, su­mabay si Lolo Kandoy kay Gaude. May da­lang plastic bag si Lolo Kandoy.

Nang maghiwalay sila malapit sa school, kunwari ay pumasok na si Gaude sa loob pero nagkubli lang siya sa poste ng Meralco. Nang malayu-layo na si Lolo Kandoy sinundan niya. Nakita rin niya kung paano inilabas ni Lolo ang lata sa plastic.

Sinundan ni Gaude. Hindi siya nagpapahalata. Ilang metro ang layo niya para hindi siya makita.

(Itutuloy)

vuukle comment

ESPA

GAUDE

KANDOY

LOLO

LOLO KANDOY

NIYA

SIYA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with