^

True Confessions

Sinsilyo (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI nagsasara ng pintuan si Lolo Kandoy o nalimutan lang nitong maisara.  Sinilip ni Gaude ang matanda. Nakita niya na nakaupo sa papag ang matanda at may ginagawa. Nang pagmasdan niyang mabuti, nakita niyang may binibilang. Mga barya ang binibilang! Kinukuha niya isa-isa ang mga barya sa lata at binibilang ang mga ito. Sa pagkuha niya ng barya sa lata ay kumakalansing ang mga ito. Ang lata ay ang nakita niyang dala ng matanda noong habulin niya ng tingin. Sa tingin ni Gaude, mga piso at limang piso ang laman ng lata.

Saan kaya galing ang mga barya? May pinuntahan ka­yang kamag-anak sa España Blvd. at binigyan siya ng pera?

Nang mapansin ni Gaude na tumigil sa pagbibilang ng barya ang matanda at may balak lumabas sa kuwarto ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at bumalik na sa kusina.

Ilang sandali at narinig niya ang pagpasok ni Lolo Kandoy sa kusina. Nagugutom na marahil kaya itinigil ang pagbibilang ng mga barya.

“Gaude, mayroon pa bang kakainin diyan, nagugutom na ako,” sabi habang hawak ang plato.

“Meron po. Bakit ngayon ka lang Lolo?”

“E kasi nga’y galing ako sa España at nakaabot pa ako ng Quiapo.’’

“Quiapo? Malayo na yun ah!”

“Malapit lang. Biyernes kasi ngayon at araw ng suweldo.’’

“Ano po kung Biyernes at araw ng suweldo?”

“Maraming magaganda ang kalooban ngayon.’’

Hindi maintindihan ni Gaude.

“Lagyan mo na ako ng kanin at ulam, Gaude. Ano ba  ang gulay?”

“Monggo po at pritong galunggong.’’

“Masarap. Gusto ko yung tutong ha. Sabawan mo ng monggo.’’

Sinunod ni Gaude.

“Sige Gaude, may ga­gawin pa ako e. Bukas, bi­bigyan kita ng baon,’’ sabi at lumabas na.

Nagtataka pa rin si Gaude. Ano kaya at sundan niya ang matanda minsan habang patungo sa España?

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BIYERNES

ESPA

GAUDE

LOLO KANDOY

NANG

SIGE GAUDE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with