^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (226)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI dumating ang papa ni Aya. Hindi naman ito matawagan ni Sam sapagkat nahihiya siya.

“Baka masyadong busy ang papa mo. Kaha­pon nang tawagan ko ay nagra-rounds daw siya. Intindihin natin dahil doktor.’’

Napatangu-tango na lang si Aya bilang pagsang-ayon pero sa loob niya, parang hindi siya prayoridad ng ama. Iyon ang nadarama niya.

“Basta bukas, ituloy natin ang balak na pag-rescue kay Mama Brenda,’’ sabi ni Sam.

‘‘Oo, Sam. Gawin na natin kahit hindi alam ni Papa. Huwag na nating sabihin sa kanya. Alam ko rin naman na wala siyang magagawa.’’

“Sa palagay mo anong oras umaalis sa bahay ang kalaban natin?’’

“Si Demonyo?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Hindi pare-pareho. Minsan maaga, mga alas otso, minsan naman tang­hali.’’

‘‘Kailangan pala, agahan natin para makita natin ang pag-alis niya.’’

‘‘Mga seven punta na tayo. Dun tayo mag-aabang sa may sari-sari store. Makikita natin mula roon kung aalis ang demonyo.’’

“Mas maganda kung magka-cap tayo para hin­di makilala. Malay mo, nagmamanman din pala yun.’’

‘‘Sige. May dala akong cap diyan sa luggage ko.’’

KINABUKASAN, bago mag-alas siyete ay nagtungo na ang dala­wa sa bahay ni Janno. Naki­ramdam muna sila sa pa­ ligid. Wala naman si­lang napansing kakaiba. Tumam­bay muna sila sa sari-sari store. Nakatingin sila sa bahaging dadaanan ng sasakyan ni Janno.

‘‘Anong kulay ng sasakyan, Aya?’’

“Black Fortuner.’’

“Paano kung ibang sasakyan ang gamitin?’’

“Wala nang sasakyan ‘yun kundi yun. Naipatalo na sa casino ang iba pa.’’

‘‘Adik sa sugal, adik pa sa shabu.’’

‘‘Sinabi mo pa. Kaya nakakatakot na talagang kasama ni Mama.’’

Maya-maya, isang Black Fortuner ang nakita nila.

“Ayun, ang sasakyan ng demonyo!” sabi ni Aya.

‘‘Halika na! Dali!’’

Nagmamadali silang tinungo ang bahay.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

BLACK FORTUNER

JANNO

MAMA BRENDA

NATIN

OO

SHY

SI DEMONYO

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with