^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-40 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Sosolohin na lamang ni Lara ang problema. Marunong naman siyang magtiis. Hindi nga ba’t ang problema niya sa kanyang daddy at kapatid ay napagtiisan niya. Hindi ba’t ang problema niya sa katabaan ay nalampasan din niya. Ngayo’y eto na naman siya at ang problema sa misteryosong asawa ang nagpapahirap sa kanyang kalooban. Malakas naman ang kutob niyang malalaman din niya ang lahat kung bakit ganoon si Jay. Bagamat naroon ang paghihinala na ito’y bisexual, hindi pa rin niya lubusang mapaniwala ang sarili. Na nananaginip lamang siya at ang ginagawa nito sa kanya ay walang katotohanan. Na iyon ay sa mga kuwentong katha-katha lamang nangyayari.

Bakit nga ba sa halip na magalit siya kay Jay ay bakit hindi niya hukayin ang lalim ng pagkatao nito. Bakit sa halip na kamuhian ay kupkupin, after all mag-asawa na sila. At wala na siyang magagawa pa. Kapag nabulgar ang lihim ay sino ang apektado, hindi lamang si Jay kundi pati siya. At tiyak na lalawak ang problema kapag gumawa siya ng hakbang na magbubulgar sa lihim ni Jay kung anuman iyon. Baka sa halip na maisalba ang kanilang pagsasama ay lalo pang mawasak. Tutal naman, marunong siyang magtiis e di pagtiisan kung anuman ang magaganap pa. At kung madiskubre niyang bisexual si Jay, paano? Ewan niya kung ano ang gagawin. Paano kung bakla nga? Ewan niya. At naalala niya ang minsan ay sinabi sa pinsang babae nang sabihin nitong baka "bakla" si Jay dahil hindi marunong manligaw. Uso na naman ang mga baklang nagpapakasal sa babae. Hindi nga ba’t may mga baklang may mga anak at maligaya rin naman.

At least sa mga problemang iyon ay nagkaroon ng kaunting kapanatagan si Lara. Anu’t anuman ay may nakahanda na siyang pa-nanggalang sa mga mangyayari pa. Matatanggap na niya kung anuman si Jay.

Subalit para namang nananadya ang pangyayari na ang mommy ni Jay ay isa pa sa karagdagang tinik sa landas ni Lara. Okey na sana kung may problema sila ni Jay dahil mag-asawa na sila kaya lamang ay nakikialam ang mommy nito.

Minsan ay nagpunta sa kanilang bahay ang mommy ni Jay at katakut-takot na pintas ang inabot niya. Hindi raw sanay si Jay sa maliit na bahay ay kung bakit ayaw pang sa kanila tumira. Napabuntunghininga na lamang si Lara. Wala namang imik si Jay. (Itutuloy)

vuukle comment

ANU

BAGAMAT

BAKIT

EWAN

ITUTULOY

JAY

KUNG

LARA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with