^

Police Metro

Ph-US Balikatan umarangkada na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kahapon ay sinimulan ang PH-US Balikatan 2017 joint military exercises  na sesentro sa counter –terrorism at Humanitarian Assistance Disaster Response (HADR) na isasagawa sa mga piling lugar sa bansa.

Ang  ika -33 yugto ng PH-US Balikatan 2017 war games ay pormal na nagbukas kahapon sa ginanap na seremonya sa Camp Aguinaldo.

Ang nasabing taunang pagsasanay sa pagitan ng magkaalyadong puwersa ay gaganapin sa mga pi­ling lugar sa bansa umpisa kahapon hanggang Mayo 18 ng taong ito.

Sinabi ni US Co-E­xercise Director Balikatan 2017 Lt. Gen. Lawrence Nicholson na sa kabila ng pagbabawas ng mga aktibidad para sa joint military exercises ngayong taon ay positibo sila sa tagumpay ng isasagawang war games.

Ayon naman kay Lt Gen. Oscar Lactao nanatiling matatag ang kooperasyon ng dalawang magkaalyadong bansa.

Taliwas naman sa mga nakalipas na Balikatan nitong mga nagdaang taon ang bilateral exercise  ay wala ng mga isasagawang live fire exercises gayundin ang aspeto ng sea, air and land military operation. 

Nabatid na sa pagbabawas ng mga aktibidad ay konti na lamang ang puwersa ng magkaalyadong bansa na lalahok sa bilateral exercises na kabibilangan ng 2, 800 sa tropang Pinoy at 2, 600 naman mula sa US forces,

Sa mga nagdaang Balikatan noong Abril 2016 ay nasa 11,000 ang ibinuhos na puwersa na PH at US troops.

Magugunita na kabilang ang Balikatan sa mga nasa talaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na nais nitong tuldukan na sa joint military training activities sa US counterparts pero mayroong umiiral na kasunduan sa pamahalaan ng Estadod Unidos alinsunod sa Vi­siting Forces Agreement (VFA) na nasasaklaw ng Mutual Defense Treaty (MDT).  

 

vuukle comment

PH-US BALIKATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with