^

True Confessions

Damo Sa Pilapil (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“WALA ka namang ginagawang masama sa bisor na iyon pero bakit ka ginaganun,” sabi pa ng may-edad nang janitor na gigil na gigil sa ginagawa kay Zac. “Kung ako ang gagawan niya nang masama, isusumbong ko siya sa may-ari paghindi tinanggal siya. Ang walanghiya talaga ng bisor na ‘yun!’’

“Manong baka may makarinig sa’yo e makarating sa bisor,’’ sabi ni Zac at tinapik sa braso ang janitor.

“E ano? Mabuti nga para mabulgar na ang kasamaan ng ugali ng bisor na ‘yan. Sabihin mo lang kung kailan ako tetestigo para sa’yo Zac at sasamahan kita kahit saan makarating. Itinago ko ang mga papeles na nakuha ko sa basurahan para maging ebidensiya.’’

“Huwag na Manong. Magtrabaho na lang tayo.’’

‘‘Kailangan din naman na lumaban tayo. Hindi naman puwedeng tapakan nang tapakan porke ba at mensahero ka lang.’’

“Hindi pa naman ako naaapi nang sobra, Manong. Kaya ko pang palampasin iyon.’’

“Kapag hindi ka ku­mi­bo, lalo kang pag-iinitan. Palagay ko, may kasunod pa ang mga ginagawa ng hayop sa’yo.’’

Napangiti na lang si Zac at saka nagpaalam.

‘‘Sige po Manong, marami pa akong ideliber.’’

‘‘Sige, ingat ka Zac.’’

ISANG umaga, nililinis ni Zac ang SUV ni Mam Dulceamor nang lumapit sa kanya si Manang Cion.

‘‘Maysakit si Dulce!’’’

‘‘Anong sakit Manang?’’

‘‘Masakit na masakit daw ang ulo! Parang binibiyak daw!’’

‘‘Dalhin natin sa ospital, Manang. Baka kung ano na ang nangyayari kay Mam!’’

“Itatanong ko! Ka­nina ay parang madu­duwal nang pumunta ako sa kuwarto niya.’’

“Baka kaila­ngan nang ipaospital, Ma­nang!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DAMO SA PILAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with