^

Probinsiya

Reporter ginulpi ng councilor

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines -  Nalalagay sa balag ng alanging masibak sa puwesto at makasuhan sa Ombudsman ang isang municipal councilor makaraang ireklamo kaugnay sa panununtok nito sa 26-anyos na mamamahayag sa Barangay Bombon sa Tabaco City, Albay kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nagrereklamo na si Dennis Bongalbal, reporter ng Hot-Fm, at residente ng Purok 5, Barangay San Ramon, Tabaco City habang nakatakda namang kasuhan ang inirereklamong si Councilor Avelino Binalla ng bayan ng Malilipot. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nasa loob ng Taka Resto Bar ang biktima nang komprontahin ng suspek kaugnay sa mga ulat na inilalabas sa radio station. Gayunman, nauwi sa mainitang pagtatalo ang usapan hanggang sa mapikon ang suspek at tuluyang sinapak at ginulpi ang biktima. Hindi naman nakuha ang panig suspek habang desidido naman kasuhan ng biktima.

vuukle comment

HOT-FM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with