^

Dr. Love

Ipagtatapat ba?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nalalapit na po ang pagpapakasal namin ni Raul pero hindi po ako mapakali dahil, hindi alam ng mga in-laws ko na may anak ako sa pagkadalaga at plano ni Raul na i-adopt ang sampung taon ko nang anak.

Lumaki sa aking mga magulang si Ronnie. Alam niyang ako ang tunay niyang ina, pero mommy at daddy ang tawag niya sa parents ko. Kilala rin niya ang biological father niya.

Aminado po ako na kasalanan ko ang alanga­ning pagbubuntis. Dahil matagal ko nang type ang ama ni Ronnie at ako ang gumawa ng paraan para may mamagitan sa amin.

Ikakasal na siya sa kanyang chilhood sweetheart nang magbuntis ako. Dahil hindi ko gustong makagulo sa pamilya niya, inako ko nang lahat ang responsibilidad sa bata.

Gusto ko po simulan ang buhay ko na walang itinatago. Pagpayuhan po ninyo ako kung dapat kung ipagtapat sa mga in-laws ko ang pagkakaroon ko ng anak.

Gumagalang,

Natalie

Dear Natalie,

Kung hindi naman hinihingi ng pagkakataon, naniniwala ako na hindi na dapat bigyan pa ng puwang ang mga bahagi ng ating buhay na nakalipas na. Higit na mahalaga ang kasalukuyan na dapat mong pagtuunan. Best wishes in advance!

DR. LOVE

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with