^

Dr. Love

Marso 1, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kung pagpapala ang nakatakdang matanggap, hadlangan man ito ng iba mananatiling mapapasaiyo ito. Dahil tapat ang iyong Manlilikha sa kanyang hangarin ipagkakaloob ang kalakip ng pagsunod sa kalooban niya.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Iwasan ang ma­ging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makakapag-pagulo sa isipan. Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at sa mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at fuchsia.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag ipagwalang bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho, ayusin kaagad. Maaliwalas at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera upang hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung mag-a-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat pagdesisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at electric blue.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kaligayahan ang pakiramdam sa pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magi­ging masaya at mapayapa ang tahanan. Maganda ang mood para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makaka-dagdag ng kaligayahan at sigla. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang lubos na pagpapasensya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Iwasan ang mangako. Pairalin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at indigo.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo sa pag-iisip at sa paggawa. Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at violet.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang mga pagkakamaling nagawa ay aral na hindi na mauulit. Magiging maunlad kung positibo ang nasa isip. May pagka-kataon na mabalikan sa alaala ang mga nakalipas na magsisilbing aral. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Matutuklasan ang gustong malaman. Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap upang pakinggan. Magagawa mong makumbinsi kahit ang makulit o makitid ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green.

SCORPPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon at magiging mainitin ang ulo. Lucky numbers ta color for the day ay 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Iwasan ang alitan at baka humantong sa malalang tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Ang munting suliranin sa pagitan ng minamahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain. Isang lihim ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o mangungutang ng pera. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang kapwa Capricorn ang makikilala ngayon, tiyak magkakatuluyan. May babalang gusot ang mangyayari mula sa kamag-anak o tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Tanggapin ang pagkakamali, kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna nang mabuti. Mahalaga ang magtiyaga. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with