^

Dr. Love

Sweetness overload

THE GAME OF MY LIFE - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Kumusta po kayo? Hindi po ako sigurado kung pagdating ng sulat ko sa inyo ay nasa Pili­pinas pa rin ako. Nagbabakasyon lang po ako dahil naka-base po ako sa US at nagtatrabaho roon bilang nurse.

Ang gumugulo po sa isip ko ngayon ay natuk­lasan kong naging relasyon ng boyfriend ko sa dati naming kaklase na matindi kong karibal sa popularidad at talino noong high school.

Alam ng mga kaklase namin ang overload sweetness nila Frank at Jazmin noon at inakala nga nilang magpapakasal na ang dalawa, pero kabaliktaran ang nangyari.

Iniisip noon ng marami na buntis si Jazmin pero wala naman itong isinilang na sanggol at biglang break na sila.

Sa Amerika na kami nagkita ni Frank at doon niya ako niligawan. Nagbabalak na kaming pa­­ka­sal bago ako magbakasyon ng Pilipinas. Pero nagu­guluhan na ako kung bakit niya inilihim sa akin ang tungkol kay Jazmin samantalang sinabi niya ang mga naging girlfriends niya.

Lumalabas na ako lang ang walang alam tungkol sa naging relasyon ng mahigpit kong kakumpetisyon noon sa maraming bagay at sa itinuturing na heart rob sa aming­ school.

Gusto ko sanang personal na tanungin si Jazmin­ pero napigilan ako dahil happily married na siya. Ang balak ko ngayon ay kumprontahin si Frank pagbalik ko ng Amerika.

Sa totoo lang po ay nayayanig ng bagay na ito ang tiwala ko sa boyfriend ko, sa tingin n’yo po makatuwiran ang pakiramdam kong ito? Mahal ko si Frank at sa palagay ko ay ganon din siya sa akin. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Rose Ann

Dear Rose Ann,

Unfair na magpaapekto ka sa nakaraan ng boyfriend mo, gayong hindi pa naman kayo committed noong mga panahong iyon. Pero hindi rin naman masama na para sa kapanatagan mo ay i-open mo kay Frank ang tungkol sa nalaman mo.

At siyempre ihanda mo rin ang kalooban mo sa posibleng marinig mo sa kanya tungkol sa sweetness overload na pakikipagrelasyon niya sa ma­tindi mong karibal noon.

Sa palagay ko ay matalino ka, kaya alam ko na maipaghihiwalay mo ang noon at ang kasaluku­yang meron kayo ng boyfriend na soon to be husband mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with