^

PSN Palaro

PATAFA sasalain ang mga atletang isasabak sa SEAG

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubusisiin ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang resulta sa katatapos na National Open bago maglabas ng listahan ng mga atletang isasama sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Ilan sa mga tunay na nagpamalas ng husay sina tri­ple jumper Mark Harry Diones at ang men’s 4x100m relay team na may malakas na tsansang makahirit ng gintong medalya sa Malaysia Games.

“Diones and 4x100m relay team will be serious threats in the SEAG,” pahayag ni PATAFA president Philip Ella Juico.

Nagtala ng bagong rekord si Diones sa triple jump tangan ang 16.70m habang nagsanib-puwersa naman sina Filipino-American Eric Shauwn Cray, Anfernee Lopena, Jomar Udtohan at Trenten Beram sa pagbasag ng 12 taong rekord sa 4x100m relay sa bendisyon ng 40.29 segundo.

Nalampasan ni Diones ang silver-medal mark sa SEA Games na 16.20m na nakuha ni Varunyoo Kongnil ng Thailand noong 2015 Singapore Games.

Umaasa naman si Juico na mas magiging maganda pa ang ipapamalas nina Cray, Beram, Udtohan at Lopena sa Malaysia upang masungkit ang gintong medalya.

“With more practice and training abroad, they can go below 40 (seconds) and maybe we could snatch gold medal,” dagdag ni Juico.

Si Cray ang defending champion sa 100m dash at 400m hurdles sa SEA Games ngunit posibleng sumabak din ito sa 4x400m relay team maliban sa pagsalang sa 4x100m.

Pakay ng PATAFA na makabuo ng solidong lineup upang malampasan ang limang gintong medalyang nakamit nito sa nakalipas na edisyon ng SEAG.

 

vuukle comment

PATAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with