^

Punto Mo

‘BITAG Live sa Aksiyon TV 41’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAPAPANOOD na ang BITAG Live araw-araw, mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing 10:00 hanggang 11:00 ng umaga sa bago nitong tahanan sa Kapatid Network, Aksiyon TV 41 simulcast sa Radyo 5. Sa halos walong taon ng pamamayagpag sa telebisyon, pa­tuloy pa rin ang grupo ng BITAG sa paglilingkod sa mga kababayang naghahanap ng makakapitan at pag-asang matu­lungan mula sa kanilang dinaranas na problema sa buhay.

Lahat ng lumalapit sa aming tanggapan sa BITAG Action­ Center ay aming kinakausap at pinakikinggan ang bawat problema­. Sa abot ng aming makakaya, pilit na binibigyang solusyon ng BITAG ang mga reklamo at sumbong upang matulungan ang mga taong patuloy na nagtitiwala sa aming programa.

Tinaguriang Public Service Day ng BITAG ang araw ng Miyerkules dahil buong araw na inilalaan ng mga BITAG investigators ang araw na ito para mag-asikaso ng mga nagrereklamo sa BITAG Action Center. Ang kaibahan ng BITAG sa ibang nagsulputang Action Center ng mga kakumpetensiyang programa, mismong ang inyong lingkod ang humaharap sa mga tao upang mapakinggan ang hinaing ng bawat isang humihingi ng tulong sa aming tanggapan. Kaya naman asahan ang masusing paghimay ng BITAG at maingat na pag-iimbestiga sa mga kasong isinusumbong upang mabigyan ng tama at agarang aksiyon. Lubos kaming nagagalak sa bagong tahanan ng BITAG Live sa Aksiyon TV Channel 41 na sabay na mapapakinggan sa Radyo 5 sa aming pag-alis sa sisinghot-singhot na network. Ngayon, mas malinaw na mapapanood at mas marami nang makakanood sa BITAG Live.

Para sa inyong sumbong at mahahalagang tips, tumawag sa 9328919, 9325310, mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected].  Maaari ring magsadya sa aming tanggapan, 299 Syjuco Building, Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

vuukle comment

ACTION CENTER

AKSIYON

AMING

BITAG

KALAW HILLS

KAPATID NETWORK

MIYERKULES

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with