^

Police Metro

Magpaliwanag sa SALN issue VP Sara at Mans Carpio, pinadadalo sa impeachment

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais ng ilang mambabatas sa Kamara na dumalo sa paglilitis sa impeachment si Vice President Sara Duterte at ang mister nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio para sila mismo ang magpaliwanag sa ‘red flag’ sa kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Kaugnay ito ng pagbusisi sa “unexplained wealth” sa ilalim ng Article II ng mag-asawang Duterte at Carpio kaugnay ng pagpriprisinta ng mga ebidensya at testigo ng prosecution panel ng Kamara.

Sinabi ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union 1st District na importante ang testimony nina Duterte at Mans Carpio para masagot ng mga ito ang paglobo ng kanilang kayamanan na nakasaad mismo sa kanilang SALN.

Umapela naman si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., sa defense team na payagan at kumbinsihin si Duterte na tumestigo sa impeachment lalo na aniya ito mismo ang may personal na kaalaman sa mga isyu na hinahanapan ng kasagutan sa impeachment.

Una nang inihayag ni prosecution panel lead prosecutor Gerville Luistro na plano nilang ipatawag sa paglilitis sa impeachment si Duterte kapag natapos ng lahat iprisinta ang mga testigo at ebidensya sa apat na Articles of Impeachment.

SALN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with