^

Police Metro

Yaman ni VP Sara lumago sa P98.6 milyon noong 2025

Malou Escudero, Joy Cantos - Pang-masa
Yaman ni VP Sara lumago sa P98.6 milyon noong 2025
Vice Preisdent Sara Duterte attends the House inquiry on her office's budget utilization on Sept. 18, 2024.
House of Representatives

MANILA, Philippines — Lumago sa P98.6 milyon noong 2025 ang idineklarang yaman ni Vice President Sara Duterte mula P7.2M noong 2007, base sa mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na iniharap sa ika-25 araw ng impeachment trial.

Humarap sa pagdinig bilang testigo ng prosekusyon si Atty.Karen Batu, officer-in-charge ng Ombudsman Records Division na nagpatotoo sa mga inihaing SALN ng bise presidente.

Base sa mga datos ang pagtaas ng mahigit P91 milyon sa loob ng 18 taon, habang sinusuri ng Senate impeachment court ang mga alegasyon sa diumano’y hindi maipaliwanag na yaman at hindi tumpak na deklarasyon sa SALN ni Duterte.

Inilahad ng prosekusyon ang taon-taong tala ng idineklarang net worth ni Duterte na nagsimula sa P7,250,497 noong 2007 ng siya ay nagsisilbing vice mayor ng Davao City.

Tumaas ang kanyang idineklarang net worth sa P49.7 milyon noong 2018 at P55.61 milyon noong 2019, bago umabot sa P56.58 milyon noong 2020 at P65.31 milyon noong 2021.

Umabot sa P71.66 milyon ang net worth ni Duterte noong 2022; P77.51 milyon noong 2023;at P88.51 milyon noong 2024.

Para sa 2025, idineklara ni Duterte at ng kanyang asawang abogado na si Manases Carpio ang pinagsamang net worth na P98,656,131.20.

Umabot sa P122.8 milyon ang kanilang kabuuang assets, habang P24.14 milyon naman ang kanilang liabilities.

Habang wala namang idineklarang cash on hand o cash sa bangko si Duterte sa kanyang SALN mula 2019 hanggang 2025.

SALN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with