^

PSN Showbiz

Marian hindi na gumagastos ng daang libo sa mga sinusuot!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian hindi na gumagastos ng daang libo sa mga sinusuot!

Marian Rivera

May bagong mala­king commercial na namang gagawin si Marian Rivera.

Pero bawal pang banggitin kung ano ‘yun. Basta, pramis niya, isang pasabog.

Kapipirma lang niya bilang endorser ng Kultura, tatak ng mga Pinoy products na gawa sa mga de kalidad na materials na ating-atin.

Magkakaroon siya ng formal launching bilang kauna-unahang Kultura endorser sa November 9.

Ang maganda raw sa pagiging endorser niya, ayon kay Marian nang makatsika namin sa Bambbi Fuentes Salon kahapon, may certain percentage na mapupunta sa Smile Train ang mga mabebenta ng Kultura, ang foundation na tinutulungan ni Super Ma’am (Yan Yan).

Magde-design din siya ng je­welries, pearl in particular para sa nasabing store na pag-aari ng SM Group.

“At least pahinga ako sa mga branded, hahaha,” banggit niya. “Makakatipid,” dagdag niyang tumatawa.

Isa si Yan Yan sa mga artistang bongga ang mga isinusuot na damit, bag, sapatos, etc. Name it and she have it. As in, lahat ng brand. Pero ngayon, back to local ang GMA Primetime Queen.

Pahinga na siya sa mga Gucci, Chanel, etc.. Ang gamit-gamit niya nga kahapong tsinelas, gawang Pinoy na.

Sunud-sunod ang endorsement ni Mrs. Dingdong Dantes.

Definite na rin na extended until next year ang Super Ma’am at kung bobongga pa raw ang rating baka abutin ito ng taon sa ere.

Isabel k asama ang anak at si Mommy Gwapa

Nanay ni Isabel umaasang magigising pa anak!

Lilipad kung hindi today ay tomorrow pa-Qatar ang nanay ni Isabel Granada na nananatiling walang malay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Hamad General Hospital.

Nang ma-interview si Mommy Gwapa ng mga kasamahan sa panulat na sina Vinia Vivar at Rommel Placente, naniniwala ang mommy ni Isabel na baka ‘pag narinig nito ang boses niya ay magkamalay ito.

 “Sabi nila kasi, kapag narinig siguro ni Isa ang boses ko, baka mas lalo siyang madaling gumising, kaya pupunta ako at kakausapin ko siya, na sana, gumising na siya... hindi ko ito kaya, kailangan ko ang anak ko... kailangan siyang mabuhay, ibibigay ko ang buhay ko, mabuhay lamang siya, ” paputol-putol at humagulgol na sabi ng mommy ng singer/actress na kilalang Mommy Gwapa sa showbiz kina Vinia and Rommel.

Eh birthday pa naman nito kahapon kaya talagang todo iyak daw si Mommy Gwapa.

Pumunta siya kahapon  sa Immigration para makakuha agad ng visa kasama ang ex-husband ni Isa na si Jericho Aguas para dalawa silang makaalis at mabisita ang anak na agaw-buhay pa ang lagay.

Hindi lang nila sure kung makakaalis siya ngayong araw o bukas pero sabik na sabik na raw siyang makita ang kaisa-isang anak.

“Pinakamagandang regalo na matatanggap ko ay ang paggising ng anak ko,” ang pahayag niya pa kahapon.

Kasama rin nilang aalis ang anak ni Isabel sa first husband na si Hubert Thomas Jericho.

Anyway, ayon sa Qatar-based reporter naming si Manny Flores, kahit nanati­ling walang malay-tao ang singer/actress, sinabi umano ng asawa nito si Arnel Cowley na nagiging stable na ang kalagayan ng kanyang misis after nitong dumanas ng brain hemorrhage dahil sa aneurysm.

Ayon pa raw kay Arnel, alam nitong naririnig at nauunawaan ni Isabel ang kanyang sinasabi kapag kinakausap niya ito.

May lumabas daw kasing luha sa gilid ng mata ng actress/singer pagkatapos niya itong kausapin kahapon ng umaga.

Umaasa na lang daw si Arnel sa mga panalangin na malampasan ni Isabel ang maselang kondisyon.

Samantala, may mga nauna nang pahayag ang isang nurse na nasa Hamad Hospital na umaasa na lang si Isabel sa life support machine at oras na tanggalin ito ay titigil na ito sa paghinga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with