^

PSN Showbiz

Andrea makikipag-compete kay Dawn

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Parehong kasama sa cast ng Alyas Robinhood 2 sina Andrea Torres at Ruru Madrid at kasama rin sila sa Metro Manila Film Festival movie ni Vic “Bossing” Sotto with Dawn Zulueta, ang Meant to Beh na pinamamahalaan ni Chris Martinez na siya ring sumulat ng script.

“It’s an honor working with Bossing (Vic),” ani Andrea na magsisilbing `kaagaw’ ng character ni Dawn sa Meant To Beh.

Si Ruru naman ay reunited with Gabbi Garcia na kasama rin sa MMFF movie nina Bossing at Dawn.

Randy nahihirapan makapag-move on sa anak

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nakakapag-move on ang singer-actor na si Randy Santiago sa pagkamatay ng kanyang second son na si Ryan Leonardo Santiago (24) na kamakailan lamang sumakabilang-buhay.

Kung naging mahirap kay Randy noon na tanggapin ang magkasunod na pagkawala sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang na sina Direk Pablo Santiago at dating aktres na si Cielito Legaspi, lalong hindi magiging madali para kay Randy at sa kanyang misis na si Marilou Coronel ang pagkawala ng kanilang second son although alam nilang mag-asawa na wala na itong pain na nararamdaman ngayon at masaya na itong kasama ngayon ng kanyang grandparents.

Si Randy ay napapanood sa tumatakbong serye ng Kapamilya Network, ang La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Katryn Bernardo.

Regine inaayos na ang annulment kay Lander

Nasa annulment process na ang marriage ng estranged couple na sina Regine Tolentino at Lander Vera-Perez na inaasahan ng dancer-actress and business­woman na si Regine na maga-grant bago magtapos ang taong kasa­lukuyan.

Hindi ikinakaila ng 36-year-old na si Regine na kahit magti-three years na silang hiwalay ni Lander, inaasahan niya na tuloy pa rin sana ang pagiging ama nito (Lander) sa kanilang dalawang anak na sina Reigne at Reigen na pareho nang teenagers pero hindi umano ganoon ang nangyayari.  Magmula umano ng sila’y magkahiwalay ni Lander ay hindi na rin ito nagpakita sa kanilang mga anak.

Samantala, ang mga anak mismo ni Regine ang nagpu-push sa kanya na mag-entertain ng suitors at makipag-date pero wala pa umano rito ang kanyang focus kundi sa kanyang trabaho at mga anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with