^

PSN Showbiz

Baklitang komedyante yumabang agad-agad

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sinayang ng isang stand-up comedian ang isang napakagandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng isang sikat na programa. Naging kalahok lang siya du’n, pero naaliw sa kanya ang host ng game show, kaya ginawa siyang co-host.

Nu’ng una ay maayos naman ang disiplina ng beking komedyante, dumarating siya sa tamang oras, naghahanda para sa show. Pero nitong mga hu­ling linggo ay puro kapalpakan na ang kanyang ginagawa pero pinakamatindi ang kawalan niya ng propesyonalismo at kalat-kalat na pagkakautang sa kanyang mga kasamahan.

Kuwento ng aming source, “May kamalditahan ang baklang ‘yun! Hindi pa man, e, napaka-feeling na niya, porke maraming naaaliw sa kanya at sinusuportahan siya ng main host ng game show.

“Alam n’yo bang nu’ng minsang imbitahan siya sa isang provincial show, e, nagde-demand na siya ng sariling dressing room? Kung ang mga sikat na artista, e, magkakasama sa isang dressing room lang, ibahin natin ang pagiging feelinggera ng beking ito!

“Ganu’n na siya kayabang, napakaangas na niya, samantalang wala pa naman siyang napapatunayan. E, nae-edit nga ang maraming eksena niya sa game show na itine-tape, ‘no! Kasi nga, e, bulol siya, hindi maintindihan ang mga sinasabi niya!” simulang impormasyon ng aming source.

Tapos na ang maliligayang araw ng beki dahil nagdesisyon na ang produksiyon na tsugihin siya. Napakaraming dahilan kung bakit dapat na siyang bigyan ng leksiyon.

“Palagi na siyang dumarating nang late. Sosyal siya, kung ang main host nga ng game show, e, napakaagang dumarating sa studio, siya pa ba ang kailangang hintayin para makapagsimula na ang taping?

“Palagi kasi siyang nagbababad sa casino, sugal-to-the-max siya, at ang nakakaloka pa, e, kalat-kalat ang pagkakautang niya sa mga kasamahan niya! Nakakaloka siya! Kahit yata sa utility ng show, nangungutang siya ng pangsugal!

“Napakaagang lumobo ng ulo ng baklang ‘yun, ang akala niya siguro, e, kasingsikat na siya ng isang beking TV host, e, ni wala pa nga siya sa kalingkingan ng sikat na host na ‘yun na pinipilahan ang mga pelikula!

“Sinayang niya ang opportunity na ibinigay sa kanya, kaya ngayon, e, balik na naman siya sa reality. Tama lang ‘yun, para mai-compare niya ang buhay niya kapag meron siyang trabaho at kapag nganga siya!” inis na kuwento pa ng aming source.

Ubos!

Gretchen pinasikat ang pamangkin

Positibo ang pananaw ng mga nakausap namin tungkol sa mga paghusgang ibinato ni Gretchen Barretto sa kanyang pamangking si Claudia. Nakatulong daw ‘yun sa anak ni Marjorie.

Mundo ng musika ang pinasok ni Claudia, bagito pa lang ito sa kanyang linya, pero dahil daw sa pag-iingay ni Gretchen ay biglang nagmarka ang pangalan nito sa kamalayan ng publiko.

Sabi ni prop, “Masakit lang sa una dahil tinawag siyang very ungrateful ng tita niya, hinusgahan siya du’n at nakatikim ng mga pang-aalipusta. Pero nu’ng nag-sorry na sa kanya si Gretchen, maraming nagtanggol sa kanya.

“Kitang-kita kasing educated si Claudia. She was really hurt, pero tinanggap niya ang apology ng tita niya. Sino ngayon ang lumabas na edukada at may breeding sa kanilang dalawa?” bahagi lang ng reaksiyon ng kaibigan naming propesor.

Pinasalamatan ni Claudia ang ipinost na panghihingi ng sorry ng kanyang tita, kasabay nu’n ang pagsasabing wala itong masamang intensiyon nang banggitin nito ang salitang someone else, lalong walang kabalak-balak si Claudia na saktan ang kapatid ng kanyang ina.

Pero kumalat na nga sa buong mundo ang mga parunggit ni Gretchen sa kanyang pamangkin, mas masakit sa panig ni Marjorie ang kanyang rebelasyon, dahil ang pakikipagrelasyon nito kay dating Mayor Recom Echiverri ay kinaladkad pa ni Gretchen.

Ilang taon nang puro-haka-haka lang ‘yun, walang kumukumpirma kahit pa ang dami-dami nang nakakaalam ng katotohanan, isang Gretchen lang pala ang kailangan para malantad ang kuwentong pinakaiingatang makalkal ni Marjorie.

Ibang klase talaga si La Greta!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with