^

PSN Showbiz

Luis at Angel nagdedmahan nu’ng kani-kanilang birthday?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nanghinayang sa mga tagasubaybay ng dating magkasintahang Luis Manzano at Angel Locsin na sa hiwalayang muli nauwi ang kanilang relasyon when everybody thought na ito’y sa altar magtatapos.

Magkasunod lamang ang kaarawan nina Luis at Angel. April 21 si Luis at April 23 naman si Angel.

I wonder kung nagbatian man lang ba ang ex-couple ng happy birthday sa isa’t isa?

Samantala, walang alinlangan na si Luis pa rin ang namamayagpag na game show host ng bansa. Kasisimula pa lamang ni Luis ng bago ni­yang game show, ang local franchise ng longest-running game show sa America, ang Family Feud.

Ang fans naman ni Angel ay patuloy pa ring umaasa na siya ang gumanap sa Filipino heroine na Darna sa kabila ng pag-back-out nito dahil sa kanyang spine problem.

Ang estranged sweethearts ay magkasama sa ongoing rea­lity show na Pilipinas Got Talent kung saan si Luis ay host ng prog­rama kasama si Billy Crawford habang si Angel naman ay isa sa apat ng hurado na kinabibila­ngan din nina G. Freddie Garcia, Robin Padilla, at Vice Ganda. Sa progra­ma ay pareho silang nagpapakita ng professionalism.

John gustong maging hands on sa anak

Kumpleto na ang kaligayahan ng actor-dancer na si John Prats ngayong lumabas na ang first baby nila ng misis niyang si Isabel Oli na si Lilly Feather.

Hindi ikinakaila ng actor-dancer na kakaiba ang kanyang pakiramdam ngayong isa na siyang ganap na ama.

Mas inspired si John sa lahat ng kanyang ginagawa dahil alam niyang meron siyang pinaglalaanan ng kanyang pagsisikap.

Gusto rin ni John na pareho silang maging hands on parents ni Feather.

When not busy sa kanyang mga showbiz commitments, John makes it a point na nasa tabi siya ng kanyang mag-inang Isabel at Feather.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with