^

PSN Showbiz

Sarah aminadong nasa transition stage, pumiyok na rin sa pagkakalabuan nila ni Matteo!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Halatang pumayat ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo nang humarap siya sa entertainment media kahapon for her concert SG From the Top na originally ay one night lang pero formal na ini-announce na may second night na – December 4 and 5, Araneta Coliseum, 8:00 p.m, dahil nga sold out ang unang gabi.

“Nagwo-work out po ako in preparation for the concert kasi po, two nights tayo and gusto ko pong ma-improve ‘yung stamina ko,” paliwanag ni Sarah.

Saka gusto rin daw niyang ma-firm ang kanyang arms na parang pakiramdam niya ay parang malambot. Kaya lang wala sa vocabulary niya ang diet. Mahilig daw siya sa sweets and junk foods.

Pero wala naman koneksiyon ang nasabing pagwo-workout niya para maging Darna siya. Na ikinagulat niya nang banggitin ang Darna. 

“Hindi ako magtu-two piece. Never akong magtu-two piece. At saka, kailangan physically strong ka ‘di ba? Saka, mara­ming demands ‘yun, eh. ‘Yung pagiging Darna,” katuwiran niya kahapon.

“Hindi po. Hindi ko kaya. Hindi para sa akin ‘yun,” dagdag pa niya.

Anyway, tungkol naman sa isyung magpapakasal na raw sila ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli, sagot ni Sarah, “Only God knows.”

Kung may nasabi man daw siya noon na gusto na niyang pakasal sa presscon ng The Voice Kids, months ago “nagsisisi po ako na nasabi ko ‘yun. Kasi  parang nagulat lang talaga ako. Malayo pa po ‘yun sa plano ko.

Kahit nababalitang nagkakalabuan nga sila ni Matteo dahil kay Shaina Magdayao, sinabi naman ni Sarah na ok sila ni Matteo pero nakikiusap siya ‘wag na lang pag-usapan ang actor dahil mas excited siya sa kanyang concert.

Nabanggit din ni Sarah kahapon na ‘artist in transition’ siya at hinahanap pa niya ang true sound niya kung kaya’t From the Top ang title ng kanyang concert.

“Ang nakaisip ng title ng show ay si Teacher Georcelle (ng G-Force).

“Parang medyo nalu-lost ako kung ano ba talaga ang gusto ko namang ipakita this time. Kasi parang sa previous shows, parang marami-rami na rin ‘yung nai-offer natin.

 “So sabi ni Teacher Georcelle, ‘Alam mo, Sarah, sa tingin ko, nasa transition stage ka. So hinahanap mo pa talaga ‘yung sarili mo?’ No I mean, as an artist kasi, kasi ‘yung title na sinasabi, you’re Pop Star Royalty, it’s just a title.

 “So ako ‘yung gusto ko ba ng Pop Star? Ano ba talaga ang plano ko sa sarili ko? For my career. So ‘yun ang sinabi sa akin ni Teacher Georcelle. Why don’t we take from the top? ‘Wow, ang gandang title niyan, huh! From the top!’ So mag-restart tayo and connected din siya sa aim ko. Matagal ko na po itong dream,” paliwanag niya tungkol sa concept ng concert.

This time rin, mas maraming kanta niya ang mari­rinig sa dalawang gabi niyang concert sa December.

 “Kasi when I watch an international show, a foreign act, talagang music nila ang ibinibigay nila! As in, gagawa lang siya ng isang cover, dalawang co­vers and that’s it! So talagang music nila ang sini-sell nila!

“First time na gagawin po namin sa show na ito, magpo-focus ako sa mga aking kanta!”

From The Top is Sarah’s eighth major concert and directed by Paolo Valenciano with Louie Ocampo as musical director.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ARANETA COLISEUM

CONCERT

DARNA

FROM THE TOP

KASI

NIYA

SIYA

TEACHER GEORCELLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with