^

PSN Showbiz

Staff ng ASAP at Showtime pinagalitan ng mga bossing!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na ipinatawag umano ng top management ng ABS-CBN ang mga namamahala ng ASAP 20 at It’s Showtime na gumawa sila ng paraan para makahabol, mapantayan o ‘di kaya ay muling ma­ungu­­san ang ra­tings ng kanilang rival programs sa GMA, ang Sunday PinaSaya at Eat Bulaga?

Kahit 20 taon nang namamayagpag sa ere ang ASAP ay hindi pa rin sila halos makapaniwala na sila’y mauungusan ng bagong si­mulang Sunday PinaSaya at maging ang Eat Bulaga.

The two shows need new segments and gim­micks na muling mag­du-draw ng interes ng mga manonood.

Daniel at Kathryn laglag sa MMFF

Walang Metro Manila Film Festival (MMFF) mo­vie ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kaya ang loveteam na JaDine nina James Reid at Nadine Lustre at ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang maglalaban sa takilya.

Parehong top-rating sa telebisyon ang kanilang tumatakbong teleserye – ang On The Wings of Love nina James at Nadine at ang reality kalye­serye ng Eat Bulaga nina Alden at Maine.

Ang JaDine loveteam ay kasama sa movie nina Vice Ganda at Coco Martin.

Susan at Lovi magka-vibes na, Heart nakumpleto sa pagdating ng pamilya sa announcement ni Chiz

All’s well that ends well sa pagitan ng mga magulang ni Heart Evangelista at sa kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero kaya all out ang suporta ng pamilya ng singer-actress sa plano ng senador na tumakbo sa pagka-vice president ng bansa at pagiging running mate ni Sen. Grace Poe na tatakbo naman sa pagka-presidente.

Kitang-kita sa mukha ni Heart ang pagiging masaya sa nasabing okasyon dahil bukod sa naroon ang pamilya ng kanyang mister, malaking bagay ang presence ng kanyang ina at dalawang kapatid.

First time din namataan ng publiko ang presen­ce ni Susan Roces kasama ang anak na si Sen. Grace Poe at half-sister nitong si Lovi Poe na mukhang malapit na rin ngayon sa movie queen.

Mag-best friends sina Heart at Lovi at mukhang magiging abala ang dalawa sa kampanya nina Sen. Grace at Sen. Chiz.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

CHIZ

EAT BULAGA

GRACE POE

LEFT

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with