^

PSN Showbiz

Richard nakalinya na ang trabaho sa 2015

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magiging busy ang 2015 ni Richard Gomez dahil may gagawin siyang mo­vie sa Star Cinema at teleserye sa ABS-CBN. Kinikilig ang fans nito at ni Dawn Zulueta dahil pareho silang magkasama sa dalawang projects.

Sa bagong ABS-CBN teleserye na A Family Story, gaganap sina Richard at Dawn na parents ni Jessy Mendiola. Makakapareha naman ni Jessy si JC de Vera na ang parents ay sina Tonton Gutierrez at dahil si Assunta de Rossi ang nakita namin sa storycon, inisip naming siya ang gaganap na ina.

Sina Dawn at Bea Alonzo naman ang makakasama sa pelikula ni Richard at excited na ang tatlo sa first time na pagsasama nila sa pelikula.

Enzo inihahanda na ang sarili sa galit ng fans nina Elmo at Janine

Hindi pa pala sa November 3, ang pilot ng More Than Words at hindi pa rin sigurado kung bago mag-24 Oras ang time slot nito. May pagbabago sa pilot date at time slot ng light-hearted drama series na pinagtatambalan ng real life couple na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Ang tiyak lang ay sa November ang airing ng More Than Words at abangan na lang ang announcement ng GMA-7 kung kailan at anong oras ito ipalalabas.

Kasama sa cast si Enzo Pineda na first time gaganap na kontrabida at inihahanda na nito ang sarili sa galit ng fans nina Elmo at Janine. Ang una’y sasapakin niya at ang huli ay ibu-bully at paglalaruan pa. Hindi ito nagsisi na tanggapin ang role dahil nag-i-enjoy siya.

Hindi natapos ang interview namin kay Enzo dahil hindi kami nagkaintindihan. We asked him kung nagkikita at nagbabatian sila ng ex-GF niyang si Louise delos Reyes. Hindi raw sila nagkikita at ayaw nang sumagot sa tanong about Louise, so we had to stop the interview.

Aiza ginulat na naman si Liza

Naimbitahan kami kagabi sa special block screening ng In Nomine Matris, ang pelikulang nagpapanalo kay Liza Diño na Best Actress sa 2014 International Film Festival Manhattan. Ginawa ang special block screening sa My Cinema sa Greenbelt at bigay ito ni Aiza Seguerra.

Nailihim ni Aiza kay Liza ang big surprise niya na nangyari sa tulong ng ilang kaibigan. Nasa States pa yata si Aiza nang planuhin ang special block screening, kaya pagdating nila mula sa Amerika, ang block screening agad ang kanilang dinaluhan.

Ginawa ang awards night sa Kalayaan Hall of the Philippine Consulate General sa Manhattan, New York. Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan nito si Aiza sa “love” and “support” nito sa kanya. Dagdag pa nito, in winning her second acting award, nadiskubre niya “ where my heart truly belongs.”

Second acting award ito ni Liza dahil nanalo na rin siyang best actress  sa indie film na Compound  sa direction ni Will Fredo na director din ng In Nomine Matris.

vuukle comment

A FAMILY STORY

AIZA

AIZA SEGUERRA

BEA ALONZO

BEST ACTRESS

DAWN ZULUETA

IN NOMINE MATRIS

MORE THAN WORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with