So, Russian GM naghati sa puntos
MANILA, Philippines — Muling nagkasya sa draw si Grandmaster (GM) Wesley So sa eighth round para manatiling buhay ang kanyang tansang maipagtanggol ang titulo sa prestihiyosong 2018 Tata Steel chess tournament na ginaganap sa Hiversum, Netherlands.
Nagkasundo na maghati sa puntos sina So at dating world champion GM Vladimir Kramnik ng Russia matapos ang 28 moves ng Queen’s Pawn Game.
Dahil sa draw, pinagsaluhan nina So at Kramnik ang No. 4 spot tangan ang parehong limang puntos.
Nakadikit sila kina GM Anish Giri ng Netherlands, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan at three-time Tata Steel titlist GM Magnus Carlsen ng Norway na nakatali sa three-way tie sa unang puwesto tangan ang pare-parehong tig-5.5 puntos.
- Latest