SBP matitikas ang isasabak sa FIBA 3x3 World Cup
MANILA, Philippines — Gaganapin ang FIBA 3x3 World Cup sa Hunyo 8-12 sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas President Al Panlilio, isasabak ng Team Philippines ang pinaka-magaling na manlalaro ng bansa sa naturang torneo at gagawin sa pinaka-malaking arena sa buong mundo upang magtala ng panibagong record sa attendance sa FIBA.
“We will send our best players and hold it in the country’s biggest basketball arena with hopes of giving a lot of basketball-loving fans a chance to watch the games live,” sabi ni Panlilio sa launching ng event kahapon sa BGC Activity Center sa Taguig City.
Bukod kay Panlilio, ang iba pang dumalo sa launching ay sina FIBA Marketing director Alex Sanchez ng Spain, Senators Sonny Angara at Joel Villanueva, Taguig Congresswoman Pia Cayetano, SBP Executive Director Sonny Barrios, Smart Sports at MVP Sports Foundation Christopher Quimpo at Ronald Mascariñas ng Chooks to Go.
Ayon kay Panlilio, maraming mga manlalaro sa PBA ang nagpahiwatig na gustong kumatawan sa bansa sa limang araw na kumpetisyon.
Kabilang sa kanila ay sina Terrence Romeo ng Globalport, Calvin Abueva ng Alaska at Troy Rosario ng TNT KaTropa na dati ng kumatawan sa bansa sa nakalipas na FIBA 3x3 competitions.
- Latest