^

PSN Palaro

Sweep ng San Beda

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
 Sweep ng San Beda

Nagbunyi ang koponan ng San Beda makaraang tanghaling kampeon sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament nang igupo ang Lyceum of the Philippines sa Game 2. Joey Mendoza

Back-To-Back NCAA Champs

MANILA, Philippines — Muling sumandal ang San Beda College sa malalim nitong karanasan sa pagtarak ng 92-82 panalo laban sa Lyceum of the Philippines sa Game 2 upang matamis na angkinin ang kampeonato sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kaha­pon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumandera si Robert Bolick na kumana ng 18 puntos tampok ang siyam sa huling kanto para walisin ng Red Lions ang best-of-three championship series (2-0) at biguin ang Pirates na na-sweep ang eliminas­yon subalit sumablay sa kanilang dalawang huling laro.

“Hardwork lang and tiwala lang sa coaches. We’re blessed as a team, ginawa lang namin ang lahat para makuha namin ito. It’s a total team effort. Lyceum did a good job. Kung puwede lang magbigay ng dalawang championship, kami ng Lyceum ang champion,” ani Bolick.

Malakas ang suportang nakuha ni Bolick mula sa kanyang mga katropa partikular na si Donald Tankoua na kumana ng 17 markers at 17 rebounds para dalhin ang Red Lions sa ikala­wang sunod na kam­peonato at ika-21 kabuuang korona sa liga.

Nagbigay din ng kontribusyon si PBA-bound Davon Potts na kumamada ng 15 puntos gayundin sina Javee Mocon na may 14 puntos at Ac Soberano na naglista naman ng 11 markers.

Itinanghal si Tankoua bilang Finals MVP matapos magrehistro ng averages na 22.0 points at 18.5 rebounds sa serye. “Coming from an ACL injury, this is really special for me,” pahayag ni Tankoua.

Pinuri ni San Beda mentor Boyet Fernandez ang pagsisikap ng kanyang bataan upang mapanatili sa kanilang teritoryo ang kampeonato sa kabila ng pagbabago sa coaching staff bago magsimula ang season.

“They really wanted to win this game pero sobrang excited sila. We settled down in the second half. I told them if we’re up or down it doesn’t mean we’re losing the game. Defense prevails against offense. It just shows that it’s our defense that’s why we win the championship,” ani Fernandez na siyang humalili kay coach Jamike Jarin na kasalukuyan nang head coach ng National University sa UAAP.

Aminado si Fernandez na hindi naging madali ang transisyon sa kanyang tropa ngunit sa tulong ng kanyang mga bataan na mabilis na nakaagapay sa kanyang sistema, mas naging solido ang kanilang galaw na nagresulta sa panibagong kampeonato.

“It’s difficult for me because it’s a a different system. Ang ginawa ko na lang, we simplified our defense, we solidified our offense. Itinuloy ko lang sistema ni coach Jamike para hindi masyado mabago,” wika pa ni Fernandez.

Nanguna para sa Pirates sina Season MVP CJ Perez na nakalikom ng 22 puntos  at Mike Nzeusseu na may double-double na 15 points at 15 boards.

Sa juniors, napigilan ng Mapua ang La Salle Greenhills nang itarak nito ang 91-81 panalo upang makahirit ng Game 3 sa kanilang sariling championship series.

Nagbida si Clint Escamis nang humataw ito ng 25 puntos, apat na rebounds, apat na assists at apat na steals habang umiskor si Warren Bonifacio ng double-double na 18 points at 14 boards.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with