Chooks Pilipinas makakabangga si Blatche, China sa FIBA champions cup
MANILA, Philippines - Bigo ang Chooks-to-Go Pilipinas kontra Petrochimi Iran, 66-87, kagabi sa pagtatapos ng preliminary round ng 2017 FIBA Asia Champions Cup sa Chenzhou Sports Center sa Chenzhou, China.
Hindi napigilan ng Pilipinas ang import ng Iran na si dating LA Clipper Willie Warren na tumabo ng 30 points, kabilang ang apat na three-points.
Hindi sapat ang tig-20 points nina Kiefer Ravena at Isaiah Austin laban sa mas beteranong koponan ng Iran.
Dahil sa pagkatalo ay nahulog sa ikatlong pwesto ng Group A ang Pilipinas hawak ang 2-2 win-loss record.
Makakaharap ng Pilipinas sa knockout quarterfinals ang defending champion China Kashgar sa pangunguna ng Gilas Pilipinas naturalized player na si Andray Blatche.
Ito ang unang pagkakataon na makakasagupa ng Pilipinas si Blatche na naglalaro sa Chinese Basketball Association.
Inaabangan ang paghaharap nina Blatche at Austin na balak ding gawing naturalized player ng Pilipinas.
The scores:
PetroChimi 87 – Warren 30, Mashayekhi 15, Yackchali 12, Kazemi 9, Davarpanah 8, Niktash 5, Zakeri 4, Sahakian 2, Mirzaeeitalarposhti 2, Bahramzad 0.
Chooks-to-Go 66 – Austin 20, Ravena 20, Torres 9, Teng 5, Revilla 4, Manuel 3, Teng Jeric 3, Vosotros 2, Jose 0, Tamsi 0, Cruz 0.
Quarterscores: 16-14, 43-39, 61-46, 87-66
- Latest