^

PSN Palaro

Otico vs Sharrma sa Jr. ITF Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagmartsa si top seed John Bryan Decasa Otico sa finals ng 2017 International Tennis Federation (ITF) Junior Championships boys’ singles na ginaganap sa National Tennis Development Center sa Nonthaburi, Thailand.

Inilabas ni Otico ang malakas na puwersa sa buong panahon ng laban upang masawata ang anumang pagtatangka ni 12th pick Akanit Pumjit ng Thailand tungo sa 6-4, 6-4 panalo sa kanilang semifinal match.

Makakaharap ng 17-anyos Pinoy netter si seventh seed Sacchitt Sharrma ng India na mabilis na pinataob si 11th seed Shunsuke Mitsui ng Japan sa pamamagitan ng 6-1, 6-3 desisyon sa hiwalay na semis game.

Ito ang ikaapat na finals appearance ni Otico sa taong ito kung saan puntirya nito na makuha ang ikatlong korona.

Nauna nang nagkampeon si Otico sa singles ng Hong Kong ITF Junior Tennis Tournament sa Hong Kong noong Enero habang naghari rin ito sa doubles kasama si Seito Watanabe ng Japan sa China ITF Junior Championships sa Beijing noong Mayo.

Maliban sa dalawang titulo, mayroon ding runner-up trophy si Otico sa doubles kasama si Watanabe sa Asian Junior Tennis Championships na ginanap sa India noong nakaraang buwan.

Si Otico na lamang ang natitirang Pinoy player sa naturang Grade 4 tournament.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with