^

PSN Palaro

Tornadoes kumpiyansa sa pagbangga sa Tri Activ Spikers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena)

2:30pm Amy vs Generika

4:30pm Cignal

vs Standard Insurance

6:30pm Petron vs Foton

 

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng Grand Prix champion Foton ang mainit na ratsada nito sa pagsagupa sa nagdedepensang Petron sa pagpapatuloy ng 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Inaabangan na ang paghaharap ng Tornadoes at Tri-Activ Spikers sa alas-6:30 ng gabi ngunit magsisilbing pampagana muna ang bakbakan ng Amy’s Kitchen at Generika sa alas-2:30 kasunod ang duwelo ng Cignal at Standard Insurance-Navy sa alas-4:30.

Mataas ang kumpiyansa ng Foton matapos patumbahin ang four-time RC Cola-Army sa bendisyon ng 18-25, 25-15, 25-17, 23-25, 15-9 panalo noong Huwebes sa larong ginanap sa De La Salle Lipa Sentrum sa Batangas.

Ngunit walang puwang ang pagiging kumpiyansa sa Foton dahil alam nitong mas matinding laban ang kanilang mga susunod na haharapin.

“Masaya kami na nakuha namin yung panalo pero marami pa rin ka­ming dapat ayusin. Marami ka­ming errors, kailangan na­ming ma-limit yun in our next games,” ani Foton head coach Vilet Ponce-De Leon.

Humuhugot ng lakas ang Tornadoes kina 6-foot-5 middle blocker Jaja Santiago at open hitter Cherry Ann Rondina na parehong nagpasabog ng 19 puntos laban sa Lady Troopers.

Ang kagandahan sa Foton ay ang malaking suportang ibinibigay ng mga katropa nito gaya nina Angeli Araneta, Maika Ortiz at Patty Orendain na may pinagsama-samang 32 puntos.

Galing din ang Petron sa five-setter game sa kanilang huling laro.

Subalit hindi gaya ng Foton, ang Petron ay lumasap ng kabiguan sa kamay ng F2 Logistics, 20-25, 25-23, 25-22, 18-25, 8-15.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with