^

PSN Palaro

‘Optimus Prime’ kinuha ng Globalport

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpaparada ang Globalport ng bagong import sa katauhan ni Mike Glover.

Nagpalit ng reinforcement ang Batang Pier matapos payagan ang 6-foot-5 na si Dominique Sutton na matu­pad ang pangarap nitong makapaglaro sa National Bas­ketball Association.

Pinayagan ng Batang Pier si Sutton na bumalik sa Uni­ted States matapos makatanggap ng imbitasyon mu­la sa Cleveland Cavaliers, nagpadapa sa Golden State Warriors sa nakaraang NBA Finals, para sumalang sa isang workout.

Sa nasabing workout ay oobserbahan ng Cavaliers ang laro ng 29-anyos na si Sutton, isang undrafted player noong 2012 NBA Draft at naglaro sa PBA para sa Air21 Express noong 2012.

Makaraang hindi mahugot sa drafting ay naglaro si Sutton para sa Orlando Magic sa 2012 NBA Summer League kung saan siya naglista ng mga averages na 3.2 points at 2.4 rebounds sa limang laro.

Ang 6’5 na si Glover, may bansag na ‘Optimus Prime’, ay naglaro sa Turkey, Argentina at Mexico.

Huli siyang nakita sa aksyon para sa Halifax Hurri­canes sa National Basketball League ng Canada.

Kagaya ni Sutton, ang 28-anyos na si Glover ay isang undrafted player noong 2012 NBA Draft at produkto ng Iona State.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with