^

PSN Palaro

Domingo-Ryu sumipa ng ginto sa US Open Taekwondo Championships

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala pa ring kupas si Ve­ronica Domingo-Ryu matapos makasungkit ng gintong medalya sa prestihiyosong 2016 US Open Taekwondo Championships na ginanap sa Reno-Sparks Convention Center sa Nevada.

Naitala ni Domingo-Ryu ang impresibong 7-1 pana­lo laban sa Amerikanang si Jan Riedisser sa finals ng women’s ultra +67-kilogram division ng torneong may basbas ng World Taek­wondo Federation.

Ito ang ikatlong gintong medalya ni Domingo-Ryu sa naturang torneo matapos magkampeon noong 2013 at 2015 edisyon.

“Mas bumagal na ako, hindi na tulad ng dati kaya sobrang thankful ako na nanalo ako. Iba talaga ka­pag andun pa rin ‘yung pas­sion at love mo sa sport. Iyong determination para manalo hindi pa rin nawawala,” sambit ni Do­mingo-Ryu na sumipa ng gintong medalya sa Southeast Asian Games noong 2001 sa Malaysia at noong 2003 sa Vietnam.

Nakapag-uwi rin siya ng tansong medalya sa Asian Games noong 2002 sa Busan, South Korea at 2006 sa Doha, Qatar.

Nakasiguro naman ng medalyang pilak si Michael John Bugarin sa men’s ultra -68-kg. class.

Nagkasya sa ikalawang puwesto si Bugarin matapos lumasap ng 2-6 kabi­gu­an sa kamay ni Rehman Moghal ng Norway sa ka­nilang championship match.

Naitakas ni Bugarin ang 3-2 panalo kontra kay Laury Tambyrajah ng Australia sa semifinals.

Noong nakaraang taon, tanging tansong medalya la­mang ang naiuwi ni Bu­garin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with