^

PSN Palaro

Knights sosyo uli sa itaas; Altas binawian ng Chiefs

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(The Arena, San Juan City)

10 a.m JRU vs Mapua (Jrs)

12 nn  Lyceum vs AU (Jrs)

2 p.m.  JRU vs Mapua (Srs)

4 p.m.  Lyceum vs AU (Srs)

 

MANILA, Philippines - Sumalo uli ang Letran Knights sa liderato habang binawian ng Arellano Chiefs ang Perpetual Help Altas sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Pumukol ng season-high walong triples si Mark Cruz tungo sa 26 puntos para gabayan ang Knights sa 74-57 panalo laban sa Lyceum Pirates.

Limang tres ang ginawa ni Cruz sa huling yugto at sa isang tagpo ay umiskor ng 14 sunod na puntos para balewalain ang 59-49 kalamangan ng Pirates.

“I expect my players to step up against the zone because we have been practicing our shooting,” wika ni Knights coach Aldin Ayo na tinapatan uli ang nangungunang karta ng San Beda na 10-2.

Bumangon ang Arellano Chiefs mula sa pitong puntos pagkakalubog sa regulation para maitakas ang 84-77 overtime panalo sa Perpetual Help Altas.

Nagpasiklaban ang mga mahuhusay na guards na sina Jiovani Ja­lalon ng Chiefs at Earl Scottie Thompson ng Altas ngunit ang huling halakhak ay ginawa ng una para magtabla ang dalawang koponan sa ikatlo at apat sa 8-4 karta.

Tumipa si Jalalon ng pangalong triple-double sa liga sa 32 puntos, 10 rebounds at 12 assists at naghatid siya ng anim sa 10-3 palitan upang magtabla sa regulation ang dalawang koponan sa 68-all iskor.

Hindi pa nakontento, inangkin ng 5’9 guard ang huling 11 puntos ng Chiefs sa overtime para maipag­higanti ang 66-76 pagkatalo sa Altas sa unang pagtutuos.

Letran 74- Cruz 26, Racal 19, Sollano 10, Nambatac 9, Luib 5, Balagasay 4, Balanza 1, Apreku 0, Calvo 0.

Lyceum 57- Nguidjol 20, Baltazar 14, Lugo 6, Lacastesantos 4, Alanes 4, Ayaaay 4, Bulawan 3, Taladua 2, Soliman 0, Marata 0, Mbida 0.

Quarterscores: 17-11; 28-25; 47-42; 74-57.

Arellano 84- Jalalon 32, Nicholls 14, Holts 8, Enriquez 8, Meca 7, Bangga 6, Salado 4, Cadavis 3, Gumaru 1, Ortega 1, Tano 0.

Perpetual Help 77- Thompson 24, Eze 19, Coronel 16, Gallardo 6, Daga­ngon 4, Ylagan 3, Oliveria 2, Cabiltes 2, Dizon 1, Tamayo 0, Bantayan 0, Sadiwa 0, Elopre 0.

Quarterscores: 21-16; 39-40; 57-53; 68-all; 84-77.

vuukle comment

ACIRC

ALDIN AYO

ALTAS

ANG

ARELLANO CHIEFS

CRUZ

EARL SCOTTIE THOMPSON

JALALON

PERPETUAL HELP ALTAS

SAN JUAN CITY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with