^

PSN Palaro

Green Archers swak sa quarters

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakitaan ang La Salle Green Archers ng mas ma­tibay na laro para ipasok ang koponan sa quarter­finals sa Spikers’ Turf Col­legiate Conference sa 25-18, 25-19, 17-25, 25-15 panalo kontra sa St. Be­nilde Blazers kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Raymark Woo at John Arjay Onia ay gumawa ng 16 at 15 puntos para sa Green Archers na ku­muha rin ng 34 puntos sa mga errors ng Blazers upang manalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Ikatlong sunod na pa­na­lo ito ng La Salle upang samahan ang pahingang Ateneo Blue Eagles sa susunod na round bitbit ang 3-1 karta.

Natalo naman ang Bla­zers sa ikalawang sunod na pagkakataon upang ma­meligro ang hangaring magpatuloy ang paghaha­bol ng kampeonato sa 2-2 baraha.

May 20 puntos si Johnvic De Guzman mula sa 19 kills at isang blocks pero ang sumunod na scorer ng koponan ay si Isaah Arda na may 9 puntos.

Sina Woo at Onia ay nagsanib sa 25 attack points para bigyan ang La Salle ng 46-44 kalamangan habang si Woo ay may apat na aces na dinomina rin ng nagwaging koponan, 7-3.

Lumapit naman ang Emilio Aguinaldo College Generals sa pagwalis sa Group A mula sa 25-22, 25-22, 25-23 tagumpay laban sa NCBA Wildcats.

Nagtala ng 15 kills, 6 aces at 3 blocks tungo sa 24 puntos si Howard Mo­jica para pangunahan ang paghablot ng ikaapat na sunod na panalo ng NCAA champions na Generals.

Marami ring pagkaka­mali  ang nagawa ng Ge­nerals sa kanilang 40 errors pero binawi nito ito sa pagdodomina sa attacks, 32-24, blocks, 5-2 at aces 7-1.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATENEO BLUE EAGLES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GREEN ARCHERS

GROUP A

HOME ULTERA

HOWARD MO

ISAAH ARDA

LA SALLE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with