^

PSN Palaro

Judah: ‘Di ko pinatumba si Floyd

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maski ang sparmate ni Floyd Mayweather, Jr. ay gumagamit ng social media para linawin ang isang napaulat na balita.

Pinasinungalingan ni dating world champion Zab Judah ang report na napabagsak niya si Mayweather sa isa nilang sparring session sa Las Vegas, Nevada.

“That’s not true. It never happen. Stop it,” sabi ng 37-anyos na si Judah, isang five-time world titlist na natalo kay Mayweather noong 2006, sa kanyang Twitter account.

Ayon sa isang report, sinasabing napatumba ni Judah ang pound-for-pound champion na si Maywea­ther sa pamamagitan ng body shot at halos 10 segundo bago muling nakatayo.

Malaking kasiraan ito sa American world five-division king na sasagupa kay Manny Pacquiao sa Mayo 2.

Sa isang 15-second video sa kanyang Instagram ay ipinakita naman si Mayweather na binubugbog ang kanyang sparring partner na sinasabing hindi si Judah. Ang 38-anyos na si Mayweather ay may malinis na 47-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 26 knockouts.

 Hindi pa siya napapatumba ng kanyang mga nakalaban, habang muntik na itong magawa ni Judah nang makakonekta ng right hook sa kanilang laban noong 2006.

Si Floyd ay aktibo sa paggamit ng social media matapos ang pormal na pagtatakda ng kanilang laban ni Pacman.

vuukle comment

AYON

FLOYD MAYWEATHER

INSTAGRAM

LAS VEGAS

MALAKING

MAYWEATHER

SI FLOYD

ZAB JUDAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with