^

PSN Palaro

Roach kumpiyansang matutuloy ang Pacquiao- Mayweather fight

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong beses na pagbagsak ng negosasyon ay kumpiyansa si chief trainer Freddie Roach na matutuloy ang pinakahihintay na super fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa susunod na taon.

Ito ay dahilan sa ginawang paghahamon ni Pacquiao kay Mayweather na napanood ng buong mundo matapos niyang bugbugin si Chris Algieri noong nakaraang Linggo sa Macau, China.

“With Manny calling Floyd out, I think it’s gonna happen,” sabi ni Roach sa panayam ng The Sweet Science. “It’s perfect timing. Manny looked good in his fight (with Algieri), Floyd looked just OK. And Floyd has no one else to fight. He had to fight (Marcus) Maidana twice.”

Lalo pang uminit ang ulo ni Pacquiao kay Maywea­ther nang magposte ang American fighter ng Instagram video kamakalawa kung saan ipinakita niya ang pagbagsak ni Pacquiao nang tamaan ng counter punch ni Juan Manuel Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noogn Disyembre ng 2012.

Ang naturang instagram video ay sinabayan pa ni Mayweather ng kantang ‘Another One Bites the Dust’ ng bandang Queen.

Sa kanyang victory parade na ibinigay ng Makati City, gigil na hinamon ng 35-anyos na si Pacquiao ang 37-anyos na si Mayweather.

Hindi rin nakaligtas sa pang-aasar si Pacquiao sa father/trainer ni Mayweather na si Floyd, Sr.

Sa panayam sa ‘On The Ropes Boxing Radio’, kinutya ni Floyd, Sr. si Pacquiao dahil sa kabiguan nitong pabagsakin nang tuluyan si Algieri sa kabila ng pagpapatumba sa challenger ng anim na beses.

“It (Pacquiao win) ain’t nothing to get crazy about, nothing to get crazy about. Pacquiao got a win and it’s started like it’s a big thing all over again,” sabi ni Floyd, Sr.

 Pinabagsak ni Pacquiao si Algieri sa second round, dalawa sa rounds six at nine at isa sa 10th round para sa kanyang unanimous decision win noong Linggo sa Macau.

 Ayon pa kay Floyd, Sr, tanging si Mayweather lamang ang makakapagdesisyon kung gusto niyang labanan si ‘Pacman’.

vuukle comment

ALGIERI

ANOTHER ONE BITES THE DUST

CHRIS ALGIERI

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with