^

PSN Opinyon

Balik salapi sa Dengvaxia

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SIGURO kailangan tutukan ng gobierno ni Boss Digong ang soli, salapi na ginamit na pondo para ibili ng disgrasiya este mali dengvaxia pala na masiadong naging kontrobersyal sa Philippines my Philippines ngayon dahil mukhang masama ata ang bakunang ito na itinusok sa madlang paslit para daw gumaling o hindi magkasakit ng dengue.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maghahain ng almusal este mali kasong kriminal at admi­nistribo pala ang PAO laban sa mga government officials na nag--approved sa paggamit ng dengue bakuna matapos pumutok na may mga natigok na mga bata diumano na naturukan ng dengvaxia vaccine.

Naku ha!

Ano ba ito? 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga sinasabing victims ay nakaranas ng diumano ng pagdurugo sa kanilang mga utak, puso at baga bago sila natigok iilang araw matapos silang maturukan umanong bakuna?

Sabi nga, kawawa naman!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto ng pamahalaan na alisin na ang dengvaxia matapos umamin ang manufacturer nito ang Sanofi Pasteur, isang French company na maaring magkaroon ng problema ang bakuna ng umano’y sintomas oras na na-inject ito sa dehins pa nagkakaroon ng dengue.

Naku ha!

Ano ba ito?

“Marami ang sasabit todits kapag nagkataon pati doktor na nagbakuna sa mga bata ay malamang sumabit at puedeng matanggalan ng professional license from the PRC.’ sabi ng kuwagong nalulungkot,

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alaws pang pangalan inilalabas ang gobierno kung sino ang mga sasabit habang masusi pa itong iniimbestigahan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinahinto ang pagbibigay ng dengvaxia vaccine pero ito anila ay naiturok sa may 800,000 mga batang mag-aaral.

Paano ngayon ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong salapi ang ginastos ng gobierno sa dengvaxia.

Ika nga, billion of pesos!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with