^

PSN Opinyon

ENDO sa NAIA laos na

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MASAYA ang may 1,000 building attendants sa mga terminals ng NAIA dahil silang mga janitors at janitress todits ay 3 years nang magta-trabaho ng tuluy-tuloy at dehins na sila job orders placement workers.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins na sila puedeng sipain o palitan every six months sa kanilang mga trabaho porke ipinatupad na ni MIAA ge-neral manager Ed Monreal, ang kautusan ni Boss Digong na tapusin na ang ‘end of contract’ o contractualization sa mga employees sa NAIA.

Ibinida ni Monreal sa mga kuwago ng ORA MISMO, na tiyak ang 3 years tuluy-tuloy na hotraba sa mga building attendants sa airport.

Sabi nga, basta wala lang palpak sa mga trabaho nila tiyak renewable working contract ang mga ito for three years.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, basta pasok lang ng pasok at hindi pala absent at hindi masasangkot sa mga pinagbabawal na patakaran ang isang employee sa MIAA tiyak tatagal ito todits.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat lahat ng janitorial workers ay kailangang may permanent SSS, medical benefits, 13th month pay and other benefits.

‘Palagay namin ang NAIA ang pinakauna sa mga government agencies na nagpatupad para wakasan na ang ‘endo’ system sa Philippines my Philippines.’ sabi ng kuwagong salawahan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan sa mga building attendants sa paliparan ay matagal ng mga nagta-trabaho rito kaya naman sa ibinida ni Ed para sa kanila ay halos mapatalon sila sa tuwa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon ang NAIA terminal 1 ay may 76 toilets; ang terminal 2 ay 47 at nagdaragdag pa, ang terminal 3 ay 100 habang ang terminal 4 ay 24 units na kailangan linisin 24/7 para walang reklamo ang mga pasaherong gumagamit dito.

Abangan.

                                                                                     * * *

Overall ‘mayores’ si Bato sa NBP

TUWANG-TUWA sa galak ang karamihang nakarinig, nakapanood at nakabasa ng basbasan ni Boss Digong si General Bato na uupong BuCor director ito after his retirement sa PNP.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana sa pag-upo ni Bato bilang overall ‘mayores’ sa BuCor ay kayanin niya ang ‘pleasure’ este mali pressure pala rito at sana dito na siya tubuan ng buhok. Hehehe !

‘Mapatino o kaya masugpo kaya ang droga sa mga bilibid sa Philippines my Philippines sa pag-upo ni Bato sa bagong trono niya sa BuCor ?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, paano kaya ang istilong gagawin ni Bato sa mga siga, matatapang, druglords, adik at mga pasaway sa mga bilibid partikular sa Munti ?

‘Magpatawa pa kaya siya dito ?’ tanong ng kuwagong manggogoyo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simple lang sana para masugpo ang pagkalat ng ope-rasyon ng droga sa NBP. Basta ang importante ihiwalay ng kulungan ang mga Chinese sa mga pinoy lalo na ang mga druglords.

Sabi nga, puro mga tsekwa lamang ang magsama sa kanilang selda at walang halong noy-pi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahirap din kasi may mga dalaw ang bawat isa sa mga bilanggo kaya puede nilang bilinan ang mga ito paglumabas nang bilibid  kung paano ang sistema ng tulakan, bilihan at order ng droga.

Oo nga mahirap din pala!

‘Basta tiwala kami kay Bato na kakayanin niya ito ?’ sabi ng kuwagong manghuhula.

Ang importante huwag ihalo ang mga Chinese nationals sa madlang pinoy converted to druglords sa loob ng bilibid.

Tanong - gusto ba talaga ni Bato sa BuCor?

Sagot -- iyan ang hindi natin alam!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with