^

PSN Opinyon

Ingat sa sakit, magastos

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAG-INGAT ang madlang Pinoy dahil pabago-bago ang klima nang panahon ngayon kaya maraming sakit ang mauuso dito sa Philippines my Philippines tulad ng ubo, sipon, dengue at Japanese encephalitis, kurikong dahil sa tubig-baha kasi nga tag-ulan at marami pang iba.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung may hindi magandang nararamdaman sa katawan huwag mag-atubiling magpunta sa doktor para matignan kayo.

Ika nga, huwag na palalain pa dahil lalong lulubo ang gastos.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na bago sa madlang Pinoy ang Japanese encephalitis ngayon porke noon pa alam ito nang madlang elders pero sa ngayon mukhang nauuso ang sakit at kapag hindi naagapan tiyak sa heaven ang punta ninyo.

Ika nga, kukunin kayo ni Lord!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon mga nakaraan buwan may mga nabiktima ng Japanese encephalitis ito ay from Pampanga, Zambales, Pangasinan, Laguna at Nueva Ecija.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 133 patients na na-diagonose na mayroon mosquito-borne disease from January to August kaya dapat talagang mag-ingat, maglinis ng haybol, maghugas ng kamay, paa o maligo kayo everyday at  linisin din ang inyong lugar.

Sabi nga, para hindi pamugaran ng lamok.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang dengue din ang Japanese encephalitis porke galing sa lamok ang sakit na ito.

Sabi ng mga expats este mali medical experts pala ang Japanese encephalitis ay mula sa Culex mosquito alaws pang gamot para dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga singkamas este mali sintomas pala na tatamaan nito ay nahihirapan ang pasyente na igalaw ang katawan nila, lagnat, pagsusuka at sakit ng ulo.

Tanong - ano ang moral lessons?

Sagot - mag-ingat sa lamok at panatilihin malinis ang kapaligiran!

Abangan.

PNP, job well done

SALUDO ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kapulisan hindi lang sa Metro - Manila kundi maging sa mga probinsiya sa Philippines my Philippines.

Bakit?

Sagot - tumitili este mali napanatili pala nila ang katahimikan at mapayapa ang Undas 2017.

‘Ano ang mainam gawin sa kapulisan?’ tanong ng kuwagong haliparot.

Sagot - palakpakan sila sa job well done!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang ginawang pagmamatyag, paniniktik ng kapulisan sa mga kriminal na dadayo sa sementeryo para lamang mambiktima ang mga ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang pulis ang may ‘good work’ kundi pati mga media dahil tinutukan nila ang mga balita at paulit-ulit na ibinalita kung ano ang mga bawal dalhin sa mga sementeryo ngayon Undas 2017.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong pulis ang ipinakalat sa Metro - Manila at mga probinsiya para magbantay sa madlang people.

Dahil dito, alaws untoward incident ang naiulat ng kapulisan maliban sa tag-ulan sa ibang lugar kabilang siempre ang Metro- Manila. Hehehe!

‘Sana sa susunod na taon ganito rin kasigasig ang kapulisan natin.’sabi ng kuwagong pakanta-kanta.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with