^

PSN Opinyon

Bagong modus?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGLABAS na ng P100,000 pabuya ang Grab, para sa anumang impormasyon hinggil sa pagpatay kay Gerardo Maquidato Jr. Pinatay si Maquidato ng mga nagpanggap na pasahero ng Grab. Unang nakilala si Maquidato nang maghatid ng pasahero sa ospital, at hindi na naningil. Mapapailing ka talaga sa tadhana. Mabuting tao pa ang nagiging biktma ng mga kriminal. Nangako ang Grab na gagawin ang lahat para mahuli ang mga duwag na kriminal. Ginagamit na ang lahat ng kanilang teknolohiya para matukoy ang mga salarin, at mahuli. 

Ito na ba ang bagong modus operandi ng mga carnapper? Pinapatay ang drayber para makuha ang sasakyan? Nagpanggap na pasahero ang mga kriminal at nang magkaroon ng pagkakataon ay pinatay ang drayber, tinulak at tinangay ang sasakyan. Ito na raw ang pang-anim na insidente itong taon ng pagnanakaw ng sasakyan ng Grab, ayon sa kompanya.

Ginagawa na rin ng Grab ang lahat para maging mas ligtas ang kanilang mga drayber. Paano mo nga naman malalaman kung may masamang intensyon ang mga pasahero mo? Tiyak na malalam ng Grab kung saan dumaan ang sasakyan, dahil sa GPS na nakalagay sa kanilang mga telepono. Alam din nila ang naging ruta ng mga sasakyan. Ang naiisip kong puwedeng idagdag ay lagyan ng mga CCTV ang loob ng mga sasakyan, para makunan ang mga pasahero at magsilbing bala­kid­ sa masamang intensyon. Mas mabuti nga kung kitang-­kita kaagad na may CCTV kamera, para alam ng mga pasahero na nakukunan na sila ng video. Sa aking pag­kakaalam, hindi bawal ang maglagay ng CCTV sa sasakyan. May mga sistema na deretso sa internet ang mga nakukunang video, kaya kahit sinong may pahintulot makita ang mga video ay makikita kaagad kung may nagaganap na krimen, at ipaalam kaagad sa mga otoridad. Kailangang talaga maging high-tech na rin sa proteksyon at sa paglaban sa krimen.

Mabsilbing babala na rin ito sa lahat ng sumasakay, pati na rin sa mga nagmamaneho ng TNVS at taxi. Magpapasko na. Magsisimula na ang pamimili, pag-party, lahat ng kasiyahan. Ito rin ang panahon na aktibo ang mga kriminal, na naghahanap lang ng pagkakataon para gawing biktima ang mga hindi maingat. Kung may smartphone, pag-aralan kung paano ito makakatulong sa iyong kaligtasan. Mga GPS, kamera at ano pang ma­aari nang magawa sa telepono para maging ligtas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with