^

PSN Opinyon

Tinuhog ang mag-ina

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

NAGKAKAROON ng rape kung sapilitang pinagsamantalahan ang isang babae gamit ang lakas, pananakot, panloloko o pang-aabuso ng kapangyarihan. O kaya ay wala sa katinuan ang babae nang gahasain. Pero kung hindi mapatunayan ang anuman dito, maari kayang magkaroon ng rape? Ito ang sasagutin sa kaso ni Letlet.

Si Letlet ay anak sa pagkadalaga ni Rochelle sa dati nitong kinakasama. Matagal na silang iniwanan ng ama ni Letlet nang makarelasyon ni Rochelle si Anton. Pumisan si Anton sa mag-ina at itinuring pa siyang ama-amahan ni Letlet.

Maganda naman ang naging pagsasama nila Anton at Rochelle. Nangunguha ng hipon at kabibe si Rochelle sa dagat mula alas kuwatro ng madaling araw hanggang alas siyete ng umaga. Si Anton naman ay isang magsasaka sa bukid na isang kilometro ang layo sa kanilang bahay samantalang si Letlet ay nag-aaral sa elementarya.

Halos walong taon nang nagsasama sina Anton at Rochelle. Noon ay onse anyos na si Letlet. Isang hapon, bandang alas singko, pagkauwi sa bahay ay agad na nagbihis si Letlet para magluto ng hapunan. Tinawag siya ni Anton sa taas ng bahay at pinapunta sa kuwarto. Doon na pala magaganap ang panggagahasa ng amain. Pinahiga ng manyak ang bata sa sahig at tinakot na papatayin silang mag-ina kapag nagsumbong. Hinubad ni Anton ang panty ng bata at pagkatapos hubarin ang sariling damit ay walang awang niluray ang kamusmusan ng dalagita. Iyak nang iyak ang bata habang nagmamakaawa para tumigil ang amain. Pero lalo lang siyang natakot nang makita ang kutsilyong abot kamay lang ng lalaki. Matapos muling takutin ay hindi na nakuhang magsumbong ng pobreng bata sa ina.

Pagkatapos ng isang linggo ay naulit muli ang panggagahasa. Walang nagawa si Letlet kundi umiyak sa kuwarto habang lumabas naman si Anton. Ilang buwan na patuloy ang nangyayaring pagsasamantala ng amain kay Letlet pero hindi niya nakuhang magsumbong dahil sa takot. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with