^

PSN Opinyon

Si Marc Red Marinas ng BI – NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ISANG daan karagdagan sundalo este mali immigration personnels pala ang ipapadala sa NAIA para tumulong at kayanin ang dagsang pasaherong magsisilipad at darating sa Philippines my Philippines ngayon Undas week at siempre pinaghahandaan na rin nila ang pagdating ng ASEAN Minsters at mga alipores nila todits.

Ibinida ni Marc Red Marinas, port operation chief ng BI, ang may 100 newly-trained personnel mula sa  BI Academy  sa Clark Pampanga, ang itatalaga para tumulong sa mga immigration officers na nasa immigration counters sa NAIA terminals 1, 2 and 3.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinaghahandaan nila Marinas ito para maiwasan ang mahabang pila sa international arrival at departure counters dahil inaasahan nila na hindi biro ang mga pasaherong darating at aalis sa Philippines my Philippines at sa susunod na buwan ang ASEAN Ministers naman ang darating dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinaghahanda rin ni Marinas ang mga Travel Control and Enforcement Unit sa NAIA na sina TCEU supervisors Bien Guevarra (terminal 1), Glenn Comia (terminal 2) at Den Binsol (terminal 3) para ihanda ang kanilang mga tauhan para sa holiday exodus in line with the government’s “Oplan Undas” program.

‘The TCEU supervisors are tasked to oversee immigration operations and administration in the assigned terminal and coordinate with other law enforcement agencies and partner government offices for the efficient implementation of anti-trafficking, illegal recruitment and other related laws’. kuento ni Marinas sa mga kuwago ng ORA MISMO,

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magpapatupad ng mahigpit na security measure sa mga terminals para matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasaherong going to and coming from Manila sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siniguro ni Marinas na umaandar ang mga CCTV cameras sa bawat immigration counter upang makuha ang mga imahe ng lahat ng umaalis at dumarating na pasahero sa NAIA.

Ayon kay Red, ito aniya ay sumasaklaw sa lahat ng mga pasahero hindi lang madlang Pinoy kundi pati ang mga foreigners at mga airlines crews.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayon kay Marinas ang mga nakunan imahe ng mga indibidwal ay automatikong ipinadadala sa mga server ng BI at isinasama ito sa international servers para sa hinaharap na pagsangguni o mga pasaherong may derogatory records para sa mga posibleng pag-aresto.

Sinabi ni Red sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang intelligence personnel at mga eksperto sa profiling ng mga indibidwal ang naka - stand-by sa arrival at departure immigration areas para tiktikan ang mga pasaherong may intel report mula sa INTERPOL.

‘Sa palagay natin mahirap ng makalusot sa NAIA ang mga pasaherong may derogatory information dahil hindi pinapatay ang INTERPOL server sa mga immigration counters.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang mga foreigners ang tinitiktikan sa NAIA kundi pati ang mga sindikato ng human trafficiking ay kanila rin minamanmanan.

Ayon kay Red, marami na silang nahuhuling ganito sa airport at mahuhuli pa!

Abangan.

Tres teroristas dedbol na

NATAPOS din sa wakas ang bakbakan sa Marawi City sa pagitan ng tropa ng AFP./PNP at ng mga gagong ISIS - Maute/Abu sayad este mali Sayyaf pala group kaya naman nagbubunyi na ang madlang people ngayon sa nasabing probinsiya porke makakabalik na sila sa ninakawan at sinirang lugar ng mga kamoteng terorista.

Mabuhay ang mga sundalo at pulisya na puspusan nakipag­laban sa giyera sa Marawi!

Ang mga kontrabida ay nagdeklara ng kanilang loyalty sa Islamic State of Iraq and the Levant(ISIL) na kalaban ng mga bidang AFP/PNP.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat saluduhan ang mga bayaning sundalo at pulisya na nagpakita ng kabayanihan para sa madlang Pinoy at nagbuwis ng buhay para mabawi sa mga terorista ang mga kagaguhan pinaggagagawa nila dito.

‘Sayang hindi umabot nina Isnilon Hapilon, Maute bro­thers, Malaysian national Dr. Mahmud Ahmad at iba pang mga kasamahan nitong napatay sa araw ng Undas para sana double celebration.’ sabi ng kuwagong hangal.

Anyway, dapat na rin umpisahan ang rehabilitation sa Marawi City para muling manumbalik sa ayos ang pamumuhay ng madlang people dito.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with